Isang bouquet ng red roses. Tatanggapin ko ba? O hindi? Sayang naman kung itatapon lang 'to. Mukha pa namang mahal ang bilihan ng bulaklak ngayon. Tinanggap ko na lang at hindi umimik.


Pag kadating namin sa school pinag titinginan kaming dalawa. Pinauna ko s'yang mag lakad dahil baka may masabi na naman 'yung mga tao sa akin.


Napansin kong tumigil ito sa pag lalakad at binalikan ako. "Anong tinatayo mo d'yan? Halika na, ma-lalate na tayo." hindi pa rin ako sumama sa kanya hanggang sa hinila n'ya yung kamay ko.


"Huy.. ano.." pinipilit kong tanggalin yung kamay n'ya. Hindi lang ito kumibo at naka ngiting nag lakad kasama ako. Bipolar talaga tong si Abcde, tapos mamaya aawayin na naman ako. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano ba talaga yung nararamdaman n'ya para sa akin.


Nang nasa tapat na kami ng classroom, "See you later my princess.." at humalik ito sa noo ko. Nag tilian yung mga classmates namin pati na rin yung mga ibang schoolmates namin na nasa hallway pa.


"Have a nice day." ngumiti na ito sa akin at nag lakad na papalayo sa akin. Sige na nga makikipag bati na ako sa kanya. Tutal parang hindi bagay sa akin yung masyadong nag iinarte.


Habang nag lelecture kami sa isang subject namin. Galit na galit si Nicoline at pinapa-excuse ako. Ano na naman kayang gusto ng kulugong 'to?


"Siya! Siya po ang nag nakaw ng sing-sing ko!" ninakaw? "A-anong pinag sasabi mo Nicoline?"


"Totoo ba 'yung sinasabi nila sayo miss nicholas?"


"Ma'am maaring mahirap po kami pero ni minsan hindi k-" nag madali itong kunin ang bag ko at itinaktak 'yung laman ng backpack ko.


"Kahit itak-tak mo yan wala kang..." paano napunta yun sa bag ko?


"See?!" pinag taasan ako ng kilay ni Nicoline at tinulak ako. "Alam ko naman na iinggit ka sa sing-sing ko. Panibhasa wala kang pambili! At sinampal ako ni Nicoline.


"Sumusobra ka nang bisugo ka ha!" hindi na ako nakapag pigil at nasampal ko na si Nicoline. Alam kong kagagawan n'ya to. May sapak na yata sa ulo. Napaupo si Nicoline sa sahig at umiyak. Ito namang teacher ko ay inalalayan si Nicoline. Sa pag kakaalam ko close 'tong teacher kong 'to kay Nicoline.


"Wala akong ninakaw sayo."


"Ninakaw mo s'ya sa akin!" lumakas ang iyak ni Nicoline na para bang nasaktan talaga. Maya-maya pa'y dumating na si Abcde.


"Inaway n'ya ako. Sinaktan n'ya ako Abcde.. Do something!" dumating din si Sarah linapitan si Nicoline. "Nababaliw ka na talaga Nicoline."


Nang aktong lalapit sa akin si Yahiro, yinakap ako ni Abcde. "That's my job Yohiro. Ako dapat ang nag cocomfort sa kanya hindi ikaw."


Napangiti na lang si Yahiro at umatras.


SECTION ABCD [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang