Chapter 12

53 5 0
                                    

Cristy

Papunta kami ngayon sa lugar na sinasabi ni madam.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang may nakasalubong kaming isang van na huminto sa harapan namin.


"Sh*t!" Naimura ni Clark na siyang nagmamaneho ng sasakyan namin.


Tinitigan ko yung van na nasa harapan namin. Maya-maya pay umandar yun ulit at umusad. Pero nang makadaan yun samin ay may naaninag akong babae na tumingin sa gawi namin at umiiyak.


"Taragis--sundan mo yun!" Sigaw ko kay Clark.


"Why?"



"Basta! Bilisan mo!" Sana tama ang hinala ko!


"Cristy, nagsasayang lang tayo ng oras. Kailangan nating makarating sa sinasabi ni madam!" Sabi parin ni Clark habang sinusundan namin yung van.


"Lintek! Ako na nga!" Bahagya akong napaupo sa kandungan niya para palitan siya sa pagdadrive.



"Anong ginagawa--"


"Umusog ka! Palit tayo!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.



"No, no! No way!" Aniya pero hinila ko siya kaya wala na siyang nagawa. "Please tell me this is not my last breathe.." nagdadramang sabi niya. Hindi ko siya pinansin at pinatakbo ng mabilis ang kotse. "Cristyy! Kaya ayokong ikaw ang nagdadrive eh!" Aniya na malakas nakakapit sa upuan. Tss!


Nang maabotan ko yung van, inovertake-an ko yun kaya napahinto sila.


"Team C, inspection that van!" Sabi ko sa radyo. Nakasunod lang kasi samin ang mga kasama namin.


"Yes, ma'am!"


Inantay kong may lumabas ng van pero wala hanggang sa binuksan iyon ng team leader ng team C na si Anso.

Napatayo ako ng lumipad si Anso. Tama nga ako! Kaya sinuot ko ang mask ko.


Lumapit kami ni Clark at pinagsusuntok ang sumipa kay Anso. "Get them!" Sigaw ko kaya pinusasan ng kasama namin yung mga napatumba namin ni Clark.


"Kaya pala.." Ani Clark na parang na-realize na niya.


Sinilip ko ang loob ng van at nagulat sa nakita.


Tatlong babae ang nandun. Yung dalawa hawak ng dalawang lalaki at yung isang babae naman ay hawak ng isang matanda na nakapagpangisi sakin. Vilardino..



"Sige, lumapit kayo at papatayin ko ang babaeng to!" Aniya at dahan-dahang umabante kaya dahan-dahan din kaming umatras hanggang sa nakalabas na silang tuluyan sa van.



"Tulong po! Tulungan niyo po kami!" Umiiyak na sambit nung hawak ni Vilardino.



"Pakawalan mo sila, pakakawalan din namin kayo!" Kalmang sabi ko.


"Hmmm.. Brave woman huh? Tsk. Nagmaskara ka pa! Alam ko kung anong mukha ang nasa likod ng maskarang yan!" Sabi ni Vilardino. "Sa tingin mo maiisahan niyo ako? Oo nga't walang makalap ang tauhan ko sa pag-iimbestiga sayo pero nagpapasalamat akong kusa kang lumantad! Hahaha!" Pina-imbestigahan niya ako? Bakit walang nabanggit ang lalaking yun sakin?



Tatanggalin ko na sana ang maskara dahil wala naman yung silbi ng pigilan ako ni Clark.



"Don't. Kahit pa nakilala ka na niya, wag mo paring tanggalin!" Bulong niya para ako lang ang makarinig.



You Belong To MeWhere stories live. Discover now