I sighed heavily. Napatingin ako sa E.R area at nananatili lang ako naghihintay sa lobby dahil kailangan kong hintayin si Alarick dito. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya sa loob pero sana maging maayos siya.

Bakit mo kasi pinapahamak ang sarili mo Garrett? Sobrang nag -aaalala ako sayo!

Nang hindi ko pa nakikita si Alarick dito ay sandali akong tumungo sa E.R area para makibalita sa sitwasyon ni Garrett. Nang makapasok ako ay agad akong lumapit sa isang nurse.

"Uh...nasaan na yung lalaking naaksidente na naisugod dito?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ah yung bagong nasugod dito?"she asked me then I nodded softly ,"Naidala na siya sa private room."

I bit my lower lip then I nodded. Itinanong ko na rin kung anong room na agad naman niyang sinabi sa akin.

Is he okay kaya nailagay na siya sa private room?

Nang makalabas na ako sa E.R area ay saktong dumating na si Alarick kaya agad niya akong nilapitan.

"Where's my cousin ,Clau?"his sounded concerned ,"Nasaan siya?okay na ba siya?"

"Hindi ko alam Rick."umiling ako ,"Pero nasa isang private room siya. Hindi ako naassigned para asikasuhin siya."

"T-then....what's room?"he asked.

"Sumama ka sa akin."sabi ko na agad naman siya tumango.

Nag-elevator na lang kami dahil nasa 3rd floor ang room kung saan naroroon si Garrett. Habang nasa loob pa kami ng elevator ay napansin ko ang panginginig ng kamay ni Alarick na bahagyang kumunot ang noo ko.

"Why your hands shaking?"tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pamumula.

"Kinakabahan ako Clau kaya ganito ako...."he said honestly,"Kaya pala hindi s-siya matawagan dahil naaksidente na pala ang loko!"

Tumikhim ako. Ewan ko ba kay Garrett at naisipan niyang magdrive habang lasing siya! Naaksidente tuloy siya!

Nang bumukas na ang elevator ay agad kaming umalis don. Hinahanap na namin ang room ni Garrett pa. Nang makita na namin ang room niya ay bumungad sa amin ang isang doctor na babae na nakasuot pa rin ng facemask.

Agad lumapit si Alarick sa doctor,"Kumusta ang pinsan ko doc? Is he okay?"

Marahan na nagtanggal ng facemask ang babae ang at tinignan niya kaming pareho ni Alarick.

"Related ka ba ni Mr. Ramirez?"bumaling ang tingin niya kay Rick.

"Yes! I'm his cousin!"agap niya kaya marahan tumango ang doctor.

"Well ,maayos na ang kalagayan ng pinsan mo. Medyo kailangan pa natin i-monitor si Mr. Ramirez dahil masyadong naapektuhan ang ulo niya dahil sa aksidenteng natamo."she said with a calmly voice.

"Pero okay naman ho siya diba?"ulit pa ni Alarick sa doctor at tumango naman.

"Yes of course ,but kailangan ko pa
rin siya i-monitor kung ano magiging effect kapag nagkamalay na siya. Pero all in all okay na ang patient."

Pagkatapos sabihin ng doctor yun at nagtanong pa si Alarick kung pwede na ba niya bisitahin na ngiting tumango kaya walang inaksayang panahon si Alarick at pumasok na siya sa kwarto.

Samantalang ako ay nasa labas at kaharap ko pa rin si Dra. Gonzales. Mabuti naman at kahit papano makakahinga na ako ng maluwag dahil sa sitwasyon niya!

"You're Claudette right?"agad ako natauhan dahil sa boses ni Dra. Gonzales. Napatingin ako at nakita ko sa mata niya ang kuryosidad.

"Opo doc."tumango ako ng mariin.

Together For A Day ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora