Sa mismong rest day ni Tin ay inaya kami ni Jaycee na pumunta kami ng Baler gusto niya isama kami para makapagbakasyon siya sa Baler. Kaya wala akong nagawa kundi magrequest sa ospital na magkaroon ako ng 2 days vacation leave. Agad naman pumayag ang head admin dahil maayos naman yung trabaho ko at minsan lang ako kung umabsent kaya binigyan ako ng vacation leave pansamantala.

Nang napunta kami ng Baler ay sobrang sarap ng hangin kaya naisipan kong lumabas para mag ikot ikot sa buong isla. Although , hindi ko alam kung saan na namalagi sina Tin at Jaycee dahil nauna sila lumabas kaysa sa akin.

Kaya halos kumabog ang dibdib ko na may biglang humaplos sa likod ko at dumikit ang ulo ko sa isang makisig na lalaki. At sa pag-angat ng tingin ko ay halos umuwang ang labi ko sa lalaking hindi ko lubos akalain na makikita ko pa siya at mismo sa Baler pa!

Hindi ako handa sa muli naming pagkikita ni Garrett. Sa loob ng tatlong taon ay di na ako umaasa na babalik pa siya ng pilipinas para umuwi lang dito dahil ang sabi ni ate na mukhang wala ng balak umuwi si Garrett ng pilipinas dahil maganda na ang buhay niya sa state at yung company niya ay patuloy niya pa rin pinapatakbo at patuloy niya nagiging successful ang Ramic dahil sa kanya.

Bakit ka pa bumalik? bakit pa kita nakita?

Habang tinititigan niya ako ay madilim siya kung tumingin. At nakikita ko sa mga mata niya galit at poot sa akin. Naramdaman ko ang paghigpit ng paghawak niya sa likod ko kaya mas lalo lang ako sumubsob sa dibdib niya.

Wala pa rin siya pinagbago ,ganun pa rin sa siya kagwapo sa paningin ko. Mas naging matikas ang katawan at mas naging matured ang itsura...

"Dette Dette!"may narinig akong pamilyar na boses na makita ko si Tin na palapit sa akin ay pilit ko tinulak ang dibdib niya para bumitaw siya sa pagkahawak sa likod ko. Kaya nung tinulak ko siya ay napabitaw na rin siya sa katawan ko. Tumingin ako sa gawi ni Tin na palapit ng palapit sa akin.

"Nandiyan ka pala!"agad niyang hinawakan ang kamay ko. Napatigil siya na bumaling ang tingin niya sa taong kaharap ko , "Uh... nandiyan ka pala Garrett....."

"Yeahh...."tipid na sagot niya habang nakatingin kay Tin na seryoso kung makatitig.

"Garrett!"napabaling ang tingin ko sa taong sumigaw ng pangalan ni Garrett. Nagulat ako na nandito si Alarick sa harapan. Napahawak siya sa braso ni Garrett kaya tumingin ang pinsan niya sa kanya.

Di ko alam na nandito rin sa Baler si Alarick?

"Halika na Garrett ,"bumaling ang tingin ni Alarick sa akin na mukhang kabado ,"Hinahanap ka na ni Alexa..."

He sighed heavily ,"Okay..."

Bumaling ng tingin si Alarick kay Tin na parang may pinapahiwatig siya na di ko maintindihan. Nang tumango si Tin ay agad namang tumalikod si Alarick para sundan si Garrett na nauuna na naglalakad.

Nang tuluyan na nakakalayo silang dalawa at bumagsak ang tingin ko sa lupa. Bakit pa binibigyan ng tadhana para magkita kaming dalawa?

"H-halika m-muna , pahinga ka muna sa loob ng kwarto natin...."mahinahon na sabi ni Tin at kita ko sa mata niya ang pag-alala kaya pilit akong ngumiti at tumango ako.

Kaya siguro ganon ang reaction ni Tin dahil nakita ko pa si Garrett mismo sa Baler! Kitang kita ni Tin ang dinanas na hirap ko simula nung nakipaghiwalay si Garrett sa akin...... lagi siyang nasa tabi ko nun para macheck kung okay na ba ako  dahil palagi akong nagkukulong sa kwarto para umiyak ng umiyak....kaya ganun na lang niya hawakan ang kamay ko dahil baka di ko makayanan ay bumalik lahat ng sakit sa dibdib ko.

Honestly ,bumalik lahat ng sakit ng alaaala nung nakita ko sa harapan ko si Garrett. Parang sa tatlong taon na pag-iwan niya sa akin ...nakamove on ako ,pinilit ko siyang kinalimutan ,pilit kong pinatatag ang sa sarili ko para di magworry ang mga taong nakakasalamuha ko dahil ayokong ipag-alala ko sila. Pero nung nakita ko siya mismo ngayon...sa isang iglap.... yung sakit parang kahapon lang nangyari...

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now