Prologue

188 15 0
                                    

🎶 Alam mo ang ganda mo pala Pagtumawa ang yong mata Hinahabol ko ang bawat mong tingin
Ngunit ito'y di' mo napapansin
Wala akong maipagmamayabang
Porma ko'y pasimple simple lang
Sino ba ako walang dating sayo
Di tayo bagay sobra mong ganda talaga🎶

Ang laki nang ngiti niya habang nakatingin kay Noah Alonzo habang nakapikit ito at nagjajamming sa bakanteng silid sa paaralan nila.

Maliban sa paborito niya ang kantang kinakanta nito, ay di niya mapigilan ang kiligin habang nakikinig dito.

Noah Alonzo is one of the heartthrob in this campus, pero mailap ito. Tahimik na suplado na gustong gusto nang mga babae sa campus. Isama mo pang matalino at gwapo ito. He is a civil engineering student and consistent na dean's lister mula sa unang taon sa kolehiyo hanggang ngayong graduating na ito.

🎶 Di ko alam hanggang kailan tayo Di ko mabago ang ikot ng mundo Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh... 🎶

Aksidente lang ang pagkakatuklas niya sa tambayan nito. At mula sa araw na yun ay palagi na siyang tumatambay sa labas ng classroom na yun at sinasamahan at pinapakinggan ito nang hindi nito nalalaman.

Unang kita palang niya sa lalaki ay nahulog na siya dito. Love first sight? Siguro. Pero ngayon kahit ganito lang sila. Siya nagmamatyag dito nang di nito nalalaman ay ok na sa kanya.

She felt so giddy knowing that she knows something about him na hindi alam nang mga tagahanga nito sa paaralan nila.

Hindi na siya nangangarap na mapansin nito. Dahil kahit pareho man silang estudyante sa paaralan nato. Subrang magkaiba ang mundo nila. He is the popular one, while she's not.

She's the nerdy kind of girl na hindi halos napapansin nang mga kaklase o kaeskwela nila. Hindi din siya matalino, tama lang. Kung ganda lang din ang labanan, nasa pang huling linya siya. Kaya ok na siya sa ganito. Ang pasulyap sulyap na tingin sa lalaking kumuha ng atensiyon niya.

When Noah finish singing ay sumandal siya sa pader nang classroom kung saan ito naka tambay. She could imagine his handsome face checking his guitar.

Huminga siya nang malalim bago pumikit. Ang payapa nang pakiramdam niya. At dahil yun sa lalaking sinisinta niya.

"Freya."

Agad siyang napamulat at agad na napatayo nang makita ang bukod tanging kaibigan niya sa campus.

Bago paman ito makalapit ay halos takbuhin na niya ang paglapit dito. Ayaw niyang malaman nito na nasa silid si Noah. Mahirap na, baka mawala ang bukod tanging nag uugnay sa kanya sa lalaki kahit di nito alam ang existence niya.

"Oras na ba?" Tanong niya nang makalapit sa kaibigan.

"Oo. Buti nga nakita kita. Kundi malelate kana naman." Sabi nito na ikinatawa niya. "May exam tayo today kaya bawal malate." Dagdag nito.

"I know. Don't worry nag study naman ako." Sabi niya at tumango sa kanya ang kaibigan bago ito naunang naglakad.

Bumuntong hininga siya bago lumingon sa classroom kung saan siya nakasandal kanina, para lang magulat sa nakita.

Standing in the window is Noah Alonzo. At matiim ang titig nito sa kanya na ikinakaba niya bago siya dali daling nag iwas nang tingin at hinabol ang kaibigan.

"Hoy ok ka lang? Ang lamig nang kamay mo." Tanong nito nang humawak siya sa braso nito.

Ngumiti siya at tumango kahit ang totoo ay subrang lakas nang kabog ng puso niya dahil for three years nakasalubong nang tingin niya ang lalaking matagal na niyang inaalagaan sa puso niya.

Music of LoveWhere stories live. Discover now