7

484 23 1
                                    

Faye

Iminulat ko aking mga mata,puting kisame ang bumungad sakin,at lumambot rin ang hinihigaan ko

"hi" biglang may nag salita kaya ibinaba ko ang tingin at hinanap kung sino yun.

Babaeng naka tayo sa tingin ko kapapasok lang niya,bahagya niyang tinaas ang kamay at nag wave tsaka ngumiti.

"may dala ako para sayo". Sabi niya at inilagay ang basket namay laman na prutas,tinignan ko siya ng mabuti,hindi ko siya kilala sa totoo lang pero mukhang mayaman ,at maganda.

"Nagulat ba kita,ako nga pala Si Imee Marcos ,nakita kita kahapon ". Wika niya tinignan ko naman siya na nag tatanong " Tulog ka kasi nung pumunta kami rito,kaya dimo pa siguro ako kilala?". Nag aalangan niyang wika ,ngumiti lang ako dahil nang hihina parin ako, Pero pinilit ko umupo

" ay naku! Naku! ". Wika niya at inanalalayan ako nang maka upo
Tumingin lang ako sakanya.

Bakit siya andito,hindi ko naman siya kilala.

"Salamat po".  Pag papasalamat ko sakanya at bahagyang ngumiti,ganun rin siya.

"Bakit po pala ikaw nandito?". Simple kong tanong

"ahm dinadalaw ka?,sabi kasi nila hindi kapa nagigising simula nang makita ka nilang nilalagnat so naisipan kong dalawin ka at dalhan ka nito,". Wika niya kumunot naman ang noo ko " huwag kang mag alala mabait naman ako hehe". Sambit niya pa at natawa

Napahinto  rin '' sorry ang daldal koba?". Tanong niya umiling nalang ako

"gusto mo ng orange? Pag balat kita". Wika niya at kumuha ng orange at binalatan ,habang naka upo sa upuan na naka lagay sa tabi ko.

" faye nanga tawag nila sayo?". Tumango nalang ako
" ang ganda ng pangalan mo,di tulad ng akin pamg lola". Dugtong niya pa

Ngumiti nalang ako sakanya, "antahimik mo noh". Sabi niya uli.

" nahihiya,lang po talaga ako Mam". Sabi ko

" naku wag nang mam Napaka formal naman, tita nalang". Sambit niya

"pwde kopo bang itanong kung ka ano ano nyo po si Ferdinand Marcos?". Tanong ko

Dahil ka apelyido niya ang dating pangulo ng pilipinas.

Ngumiti ito nang malaki sakin "ah daddy ko siya" wika niya

Nanlaki naman ang mata ko

"Dinga?". Napa takip ako ng sariling bibig sa tinuran ko,tumawa lang ito

"oo nga,panganay ako sa mag kakapatid ako Si Bong bong,Irene at aimee". Wika niya "hindi moba kami kilala?". Dugsong niya pa umiling nalang ako

"ah kaya,may mga tao pa palang di kami kilala". Wika niya.

"Ako naman,pwede kobang malaman kung napano mga pasa mo? Sang galing?". Sunod sunod niyang tanong yumuko nalang ako.

"ok lang kung ayaw mong sagutin,baka sabihin mo namang napaka tsismosa ko hehe". Sambit niya.

"Basta tita nalang itawag mo sakin ha,gusto ko kasi mag karoon ng pamangkin na babae,puro kasi lalaki mga pamangkin ko". Pag kwe kwento niya  ,nakikinig lang ako at sumang ayon.

Sa totoo lang kahit na diko siya kilala,ang gaan niyang kausap siguro dahil mabait siya.

"alam mobang ang ganda ganda mong bata?". Wika niya kaya napatingin ako sakanya.

"parang nakikita ko sayo,si irene,kapareho mo siya". Wika niya habang naka titig sakin,

Napa isip naman ako sino ba yung irene? At sinasabi niyang kapa reho ko?

Sumubo nalang ako ng orange

"Taga saan ka dito sa manila?".

"tondo po".

"May magulang ka?". Tanong niya kaya nag angat ako ng tingin

"meron po". Mahinang turan ko tumango tango naman siya at ngumiti.

"Pag labas mo dito gusto mo,pasyal tayo?".

"ikaw po bahala".

"Asahan ko yan faye dont worry isasama ko si alfonso". Sambit niya

"kilala mopo si kuya Alfonso?"

"Yeah anak siya,ni irene,panganay,alam kong kaibigan mo siya,sabi niya kasi at sya rin ang dahilan bat ka namin nakita,nung sinundo namin siya dito". Pag papaliwanag niya

Anak siya Ng kapatid ni Mam ay tita imee? So ibig sabihin apo pala siya ng dating pangulo,. At anak siya nung Irene mas lalo tuloy akong na cu curios kung sino siya.

"Mabait po siya".

"talaga? ". Di makapaniwalang wika niya

"Hindi ka sinu sungitan?". Tanong niya pa

Umiling nalang ako

"Himala,dimo ba alam na ang sakit ng ulo ni irene dun" kwento niya pa.

Kahit saglit palang kaming mag ka kwentohan ang dami konang nalalaman sakaniya.

Di kasi siya madaldal hihi
Pero nakaka tuwa siya,sana nakaka kwentohan korin si mama ng ganito.

"ay ang dami konang sinasabi sayo,basta ha pag labas mo dito,pasyal tayo". Wika niya

Tumango at ngumiti ako

Tumunog naman ang cellphone niya kaya kinuha niya.

"saglit lang ha si Mommy kasi tumatawag". Mahinang wika niya habang nasa tenga na ang cp ,tumango nalang ako kaya lumabas na muna siya.

Habang wala siya,kinain ko nalang ang mga binalatan niyang orange.

"Uhm Faye mauna nako,may emergency kasi may dinner pala kami sa bahay so mauna nako,babalik nalang ako dito bukas". Pag papa alam niya,

"Sige po salamat po pala dito". Sagot ko naman at ini angat ang orange,ngumiti lang ito bago kinuha ang bag at tsaka umalis.

"Ingat po". Pahabol ko sakanya

"i will,thanks". Wika niya at tuluyan ng lumabas.

Naiwan naman  akong nag iisa dito.

Ilang araw ba akong nakahiga rito? At nasan si Mama?

Bukas ko nanga lang iisipin yun,papahinga muna ulit ako.

Ipinatong ko ang orange sa basket at nahiga ulit,inayos ko ang kumot bago ipikit muli ang mga mata.

ABSENTIS PARS (MISSING PIECE) Where stories live. Discover now