KABANATA 2

0 0 0
                                    

A/N: Pasensiya na kung may wrong grammar man. Tao lang ako, hindi perpekto. Enjoy reading Babies!
___________

Maya's POV

"Alam mo bes pag nagkaanak ako kay sir, ninang ka ha. Tapos pag kinasal kami maid of honor ka. Ahehehhe kinikilig ako"

Si Lucia yan. Nabuang na talaga. Ewan ko ba ba't naging parte to nang student council. Kita niyo naman may saltik.

Base sa napapanood at nababasa ko yong mga nasa student council, cold ang personality, strict, at hindi showy sa kanilang nararamdaman.

Itong kaibigan ko, kabaliktaran. Sa pagsusuot lang naman ng uniform to strict.

"Ayy.. nga pala pinapunta ka pala ni President Wesley sa office niya."

"Bakit daw?"

"Ewan. Baka about sa welcome party."

"Party? Ibang klaseng trip din tong school na to. May pa welcome party tuwing may prof na bago."

"Ganun na yong nakasanayan eh."

"At bakit naman ako pinatawag eh di naman ako member ng council."

"Aba'y malay ko diyan sa manliligaw mo. Ayiiieeee" sabay sundot sa tagiliran ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Si Wesley ang president ng school council. Isa siyang happy go lucky person. And yes, nanliligaw siya sa 'kin for almost 2 years. At wala akong balak na sagutin siya. Hindi ko nakikita ang future ko sa kanya.

Tsaka na trauma na ako. Ayoko nang maulit yun.

"Sige. E-excuse mo nalang ako kay ma'am Salvador."
Sabi ko kay Lucia at dali-dali na akong pumunta sa office ng president.

Nang makarating, kumatok ako ng tatlong beses tsaka pumasok.

Hindi pa ako nakakahakbang ng mapagtanto kong may kausap pala si Wesley.

"S-sorry. I thought you're the only one here pres." Tanging nasabi ko. Tsaka tumingin sa kausap niya, si Mr. Rosso.

"It's okay. Pinapunta naman kita dito. And by the way, this is Mr. Wyatt Luke Rosso. New member of the faculty."

"I know him pres. He's one of my teacher."

"Oh? Then good." Then ngumiti siya sakin.

Gwapo naman talaga si Wesley kaso hanggang kaibigan lang talaga yong turing ko sa kanya.

"Alam mo naman na may party'ng magaganap ngayong sabado. Since magiging busy kaming mga student council. I want you to be there. To accommodate Mr. Rosso. And also tour him these afternoon. Don't worry, excuse ka buong afternoon."

"P-Pardon?" Gulat na tanong ko sa kanya. Masarap na sana sa ears kasi excuse ako kaso bilang tour guide naman. Haaaayyyss...

"Ayoko ko nang ulitin. Yun na yun."

Narinig kong parang bumungisngis si sir kaya napatingin ako sa kanya pero seryoso naman ang mukha niya nung tingnan ko. Nakatitig lang siya sakin kaya tinaasan ko ng isang kilay.

"Be good to him Maya."

Tumango nalang ako kay pres at lumabas na. Hinintay ko nalang si sir Rosso lumabas.

***
"Dito po yong gymnasium. Pag may party'ng gaganapin. Dito po ang venue Mr. Rosso."

"Mmmm"

Kanina pa ganyan yong sinasagot niya. Tipid na tipid sa salita. Pero mas mabuti na yun. Ayokong marinig boses niya. Naiirita ako. Hindi ko alam kung bakit.

"At dito rin ang swimming pool." Sabi ko nang magawi kami sa gilid ng gymnasium.

Sobrang laki naman kasi nang school nato. Ang init-init pa naman.

"At dun po yong junior high." Sabay turo ko sa malawak na oval na pinalibutan ng mga classroom.

"May sarili din pong gymnasium, cafeteria at pool yong junior high Mr. Rosso." Dugtong ko

Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Kaya iniwas ko yong tingin ko.

"B-bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa mga studyanteng papalapit sa amin.

"Kumusta ka?"

Tinitigan ko siya sa mata. At hindi ko mawari kung bakit malungkot yong mga mata niya.

"Okay ako Mr. Rosso." Sagot ko kahit naguguluhan.

Nakita kong bumuka yong bibig niya pero wala namang salitang lumabas.

"H-hi Mr. Rosso. Para sayo pala. Pa welcome gift namin."

Napalingon ako sa mga studyanteng lumapit sa amin. May dala silang bulaklak, chocolate at teddy bear.

"Thank you. Hindi na sana kayo nag abala." Pero tinanggap naman niya yong binigay sa kanya sabay ngiti sa kanila.

Napairap ako sa nakita ko at masamang nakatingin sa mga babaeng kausap niya. Buti nalang di ako nakita. Focus masyado kay Mr. Rosso.

Ang lalandi. Hoy! Bawal yan. Student kayo. Prof yan.

"Bye Mr. Rosso." Sabi nung isang student na maganda kaso puro kolorete ang mukha.

"Bye Mr. Rosso." Bulong na sabi ko at napairap sa kawalan.

"Narinig ko yun." Agad na nag-iba ang mukha ko.

"Edi congrats! Hindi ka bingi!" Sabay irap ko sa kanya.

Pero tinawanan niya lang ako.

Ano bang nangyayari sa akin? Wag mong sabihing in love ako sa kanya eh kakakilala ko lang sa kanya kanina ah..

May ganun ba? Ayy ewan.

Nilayasan ko na si sir at pumunta na ako sa classroom namin. 4:15 pm na pala. Hindi ko man lang namalayan. Kaya pala ang sakit ng paa ko.

Kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling pumunta sa part-time job ko. 4:30 pm kasi yong pasok ko at mag-eend ng 9:00 pm kaya lupaypay na naman ako nito bukas.

__________

End of Kabanata 2

UndecidedWhere stories live. Discover now