PROLOGO

0 0 0
                                    


"Nangako ka na ako lang diba? Bakit? Anong nangyari? B-bakit nagbago?"
Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam anong gagawin ko. Ang ka isa-isang taong pinaniwalaan ko, niloloko pala ako.

Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Okay pa kami kahapon eh.. Masaya pa kami. Hindi ko alam, hanggang doon nalang pala kami.

Ang sakit. Sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. 2 years din kasi yong pinagsamahan namin eh.

Sa loob nang dalawang taon, malalaman ko ako lang pala yong nagmamahal. Putrages na buhay to.

Hinintay kong magsalita siya. Para magpaliwanag ngunit wala akong nakuhang sagot.

"Sagutin mo ako Tristan! Putang*na! Magpaliwanag ka!" Sigaw ko sa kanya pero nakayuko lang siya sa akin.

Binalingan ko ng tingin ang kasama niya.

"Paano mo nagawa sa akin to?"

Hindi siya umimik. Nakayuko din siya habang umiiyak.

Hinintay ko na magpaliwanag silang dalawa ngunit wala akong narinig ni isang salita.

Tumalikod na ako at naglakad. Hindi pa ako nakakalayo nung magsalita ang babae.

"S-sorry ate"

***
A/N: Hi readers! Sana suportahan niyo ako. First time ko pong gumawa ng story. Hindi ko po alam kong maganda or hindi. Comment lang kayo.

UndecidedWhere stories live. Discover now