Tumango rin si Iñigo. "Sige na. Magdate na kayo."

I smiled at him. "Thanks. Ikaw din maghanap ng makaka-date mo," sabi ko sa kanya.

"Sus."

"Wag si Kitty," sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako. "Try mo 'yung kaibigan ni Jax—feel ko bagay kayo," dugtong ko kasi medyo feel ko na bagay sila. Si Iñigo na caring at iyong si Cha na mukhang walang pake. Opposites do attract kaya!

Nagpaalam ako ng isang beses pa kay Iñigo bago ako mabilis na naglakad papunta kay Samuel. Mukhang sobrang focused siya sa binabasa niya kaya hindi niya napansin na nasa harapan niya na ako.

"Samuel," pagtawag ko nung mga 10 seconds na akong naka-tayo, pero nandoon pa rin sa codal iyong atensyon niya. Napa-tingin siya sa agad sa akin. "Masyadong focused?" I asked, my eyebrow arched.

Tumayo siya. Kinilig ako sa fact na mas matangkad siya talaga sa akin. "Hinintay niyong matapos?" he asked, instead.

I nodded. "Yup. Ayaw patinag ng mga tao, e. E 'di nagstay na rin ako kasi nga what if bigla talagang dumating ang prof namin?" sabi ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad palabas ng school. "Saan tayo kakain?" I asked dahil iyan talaga ang madalas na unang tanong kapag magkasama kaming dalawa. Feel ko dadating kami sa point na magkasamang tumaba.

"Ano ba'ng gusto mo?" he asked.

"Ikaw," I replied.

"Kahit ano ako," sabi niya na hindi na-gets iyong sinabi ko. Umirap ako. Kumunot iyong noo niya at parang saka lang niya na-process iyong sinabi ko. "Ah..." he said, grinning. "Ako iyong gusto mo?" he asked, looking smug.

Umirap akong muli. "Wala—tapos na iyong moment."

Humalakhak siya. "Sorry—hindi pa gumagana iyong utak ko kanina," sabi niya. "Banat ka na ulit."

"Wala na. Next time na ulit," sabi ko pero napaawang iyong labi ko nung maramdaman ko iyong braso niya sa mga balikat ko. Napa-tingin ako sa kanya at sakto naman na naka-tingin din siya sa akin.

"What?" he asked.

I shook my head. "Wala..." sabi ko at saka tahimik na inenjoy iyong paglalakad namin habang naka-akbay siya sa akin. Naka-sukbit sa balikat ko iyong shoulder bag ko habang nasa likuran niya naman iyong itim niyang backpack.

Habang naglalakad kami ay nakapagdecide kami na tapsilog ang kakainin namin. Nilagpasan namin iyong kinainan namin noon para magtry ng iba. Pagdating namin doon ay umorder agad kami.

"Mas gusto ko 'yung dati," I said after the first spoonful.

Samuel nodded. "Agreed," he replied. "Sa susunod ba doon na ulit tayo?"

Umiling ako. "Try natin lahat tapos kung saan pinaka-gusto natin, doon na lang tayo lagi kapag gusto natin ng tapsi."

After naming kumain ay naglakad kami pabalik ng condo. Mabuti na lang at malamig ngayon kasi mas masarap maglakad.

"Last day na pala ng panliligaw ko," bigla niyang sabi habang naglalakad kami. Kanina ko pa gustong abutin iyong kamay niya para holding hands kami, but for some reason, bigla akong nahiya. Nakaka-panibago talaga.

"Bukas ay boyfriend na kita," sabi ko sa kanya.

"At girlfriend na kita," he quickly replied that made me blush kasi alam mo 'yon? After ng lahat ng pagpapantasya ko sa kanya, kami na bukas?! Saka ang tagal kong hinintay 'to! Hindi ko pa siya kilala pero hinihintay ko na 'to.

"So, malalaman mo na ang condo unit ko."

"Sasabihin mo ba?"

I shrugged. "Pwede naman kung tatanungin mo."

Hate The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now