DALAWAMPU'T ISA

Depuis le début
                                    

“Wala na ba kayo 'nung kasintahan mo. Yung kaklase mo noon sa kolehiyo, apo? Mabait naman 'yun diba. Kayo pa ba?” Jesus Christ. Parang gusto ko yatang tumakbo palayo sa Lola ko ngayon.


Bakit ko pa ba kasi pinakilala ang lalaking 'yon sa pamilya ko kung sa huli ay iiwan rin pala ako. Silly, December.

“Glamma matagal na 'yon. Tsaka ayoko pang mag asawa glamma.” Lalo na't sa panahon ngayon ay tila pare pareho lamang ang mga lalaki.


Napanguso nalang ako. Paano ba ko makakalimot kung ang Lola ko ay isa rin sa dahilan kung bakit naaalala ko ang lalaking 'yon.


“Apo naman. Nasa tamang edad ka na ah. Atsaka hindi naman na magagalit ang daddy mo. Kapag magawi dito si Thereon, ipapakilala kita. Kilala siya ng daddy mo marahil kababata ng ama mo at ang ama ni Thereon. At napag usapan namin noong ipinanganak ka ng mommy mo na ipakasal ka sa panganay na anak nila Theodore Roosevelt. Ngunit ayaw naman ng mommy mo.” Glamma explain.


My eyebrows just creased.


“What do you mean glamma? Hindi 'yan naikwento sa akin ng Daddy at Mommy.”

“Dahil gusto nila ay ikaw pa rin ang magdesisyon kung sino ang lalaking pipiliin mo at ayaw nilang panghimasukan ang desisyon mo. Ngunit ngayon, wala kang nobyo sigurado akong magugustuhan ka ni Thereon.”


“Glamma...” Giit ko. Hindi naman ako ganon kadesperada para magkakasintahan at ikasal.


“Madalas iyon pumupunta dito. Ipapakilala kita sa kanya apo. Hay, ayokong tumanda kang dalaga, ano. Sayang lang ang ganda mo.” Nahihiyang akong yumuko dahil sa pinagsasabi ni glamma sa ngayon.



“Glamma may plano naman akong mag asawa. Pero hindi pa sa ngayon.” Naiiling lang itong hinila akong patungo sa dining area.


“Ate D, san ka galing?” Kaagad na bungad sa akin ng pinsan ko. “Good morning grandma.” Faith kissed glamma cheeks.


“Etong ate mo apo, pinagsasabihan ko lang. Ewan ko ba at naunahan pa ng Ate Faye mo na magkaasawa't anak.”

“Glamma naman.” Kung sa bahay ay ang buong pamilya ko ang may gustong mag asawa ako, ngayon naman ay ang Lola ko.


Kailan ba sila magsasawa sa bagay na 'yan? Ikakasal nalang nga sana ako, sumablay pa.


Minsanan lang akong magkagusto sa isang lalaki, ngunit napunta naman ako sa hindi marunong makuntento sa isa.

Move on, architect! Breath and live your life to the fullest.


“Tumawag pala si Manong Oni, grandma. Kuya Thereon will visit you.”

We started eating as I heard Faith speak. Glamma also look at me.

“You heard it apo? Ipapakilala ko ang Kuya Thereon mo sa Ate December mo, apo.” Tukoy nito sa akin.

“Glamma hindi naman 'yon ang ipinunta ko dito. I want to visit you and to be with you that's why I'm here.” I'm trying to moved on nga regarding with my last relationship.

“Hala, Ate D. Bagay kayo. Wait how old are you na pala ate? Oh my god, kinikilig na kaagad ako.” She giggle at me.


“Little cous!” I look at her as I shook my head.

“Ipapakilala palang naman kita apo. Baka mamaya magkamabutihan kayo. Jusko, gusto ko na ulit magkaroon ng apo.” Nasisiyahang sabi sa akin ni glamma.

Undeniable RomanceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant