Tumawa lang ang tatlo dahil sa sinabi ni Haring Karry bago sumugod sa mga iyon

Hindi nila matamaan si Azazel dahil sa kapangyarihan nito, at nagtataka din ang dalawa dahil hindi iyon lumalaban at hindi sila tunutulungan

"Laban niyo iyan,"ani nito,"Sinamahan at ginabayan ko lang kayo, pero ang misyon namin ay ang mortal na babae,"

"Hindi ko hahayaang saktan niyo si Leigh,"ani ni Khael na nasa likuran na ni Azazel,"Lumaban ka sa amin demonyo!,"

Nilabanan naman ni Azazel ang Prinsipe ng buong lakas, nasa anyong aswang at bampira na noon si Khael at binibigay niya ang lahat ng kanyang lakas para lang matalo ang demonyo sa harapan niya

Habaang ang apat ay nasa di kalayuan at naglalavan din na para wala ng bukas
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala sa Palasyo,

Umuusal na ng kanyang buhay na salita at dasal si Moune habang naghahanda naman ang asawa ni Greg, si Mhiya at si Mayumi

Nakahanda na sila at nakasuot na ng damit ng pakikidigma nila, may kanya kanya na silang hawak na espada, pana at kung ano ano pang patalim na makakapatay sa mga aswang at kalahi nila

Nasa isang silid ang mga anak nila, na hindi makikita at walamg makakapasok na kalaban maliban sa kanila, dahil bantay sarado iyon ng mga banal na salita at orasyon ni Moune, napapaikutan din iyon ng mga halamang buhay

"Humanda na po kayo, Kamahalan,"patungkol nito sa tatlo na nasa bawat gilid niya,"Malapit ng masira ang ikalawang pintuan ng palasyo,"

Nagkatinginan ang tatlo at humanda na para sa mga makakapasok na kalaban sa loob ng palasyo

"Huwag po kayong mag alala,"ani ni Moune,"Lahat ng masisira at mamamatay na mabubuting aswang at bampira sa labanang ito ay mabubuhay muli sa takdang araw na iyon,"

Nagkatinginan ulit silang tatlo, dahil naguguluhan sila sa sinasabi ng Baylana sa kanila

"Siya lang at ang pinagpala ng Moon Goddes ang may kakayahang buhayin at ibalik sa dati ang lahat ng nasira ng mga demonyong lumusob, kaya magtiwala lang po kayo,"

Napatango lang ang tatlo dahil sa sinabi at pinaliwanag ni Moune sa kanila ng mga sandaling iyon

Ilang sandali pa ay nakadinig na sila ng malakas na pagbagsak ng malaking pintuan ng palasyo,

Kitang kita nilang ang sangkatutak na mga tiyanak na demonyo ang papalausob sa kanila

Kinakapitaj iyon ng mga halamang buhay, hinaharangan ng mga bulaklak para hindi makapasok sa loob,

Pero dahil sa madami iyon ay may nakakalagpas pa din sa mga ginawang bakod ni Moune at iyon naman ang hinarap ng tatlo

Bawat tiyanak ay tinatagpas nila ang ulo, gumugulong iyon sa makintab na sahig, namamantsahan ang kaputian at kakintaban ng sahig na gawa sa salaming makapal

Ang ilalim niton ay dagat kaya marami ng makikitang isda, binago iyon ni Haring Karry simula ng makabalik siya sa kanyang trono at ng matalo nila si haring Serafino

Pinaganda at pinatibay nila ang palasyo para hindi kaagad sila mapasok ng mga kalaban kagaya ng nangyari kanina

Hakos inabot ng tatlo hanggang apat na oras bago magiba ang unang pintuan papasok sa kaharian

Ganoon din sa pinakahuling pintuan, kaya kinailangan pang gumawa ng mga batong halimaw ni Azazel para lang masira at magiba ang mga pader at pintuan

"Kailangan natung manalo,"ani ni Moune,"Kakailanganin tayo ng sangkatauhan lalo na ni Yuri Leigh, hindi niya makakayanan ang lahat lalo pa at nagdadalang tao na siya ngayon,"

Tumango lang ang tatlo habang naghiwa hiwalay sila at sinugid na ang mga tiyanak na demonyo na ang ilang ay inuna pang kumain ng mga napatay nilang kalaban, gutom na gutom ang mga iyon

Dahil halos isang linggo silang inipon at ibinilanggo ng mga demonyo para gutumin at pakinabangan ng araw na iyon
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

Kinakabahan na po ako😂😂😂

Sana manalo kayo kagaya ng nangyari kina Rohan at sa lahi ng taong lobo🙏🙏🙏

Laban lang💪💪💪👊👊👊

Please leave a Comment, reaction and dont forget to Vote

Thank you guys🤗🤗🤗

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Where stories live. Discover now