Ano ang layunin ng kaibigan, kung hindi rin mag o-open sa isa't isa?

Piliin ang tama kaysa mali. Naging masamang impluwensya man pero kapag ramdam mo na mahal ka ibigsabihin nasakanila na ang hinahanap mo, wala iyan sa impluwensya kung hindi ay nasa pagmamahal 'yan nang tao.

Masama o mabuting impluwensya pero lubos ka nila tinanggap at minahal.

So, saan kapa?

Lumapit ako kay Nathan. “Oy, nath.” Tawag ko sakaniya at ngumiti, ngumiti rin naman siya sa akin pero nawala rin 'yon at sinamaan ako nang tingin.

“Bakit ka tumakas sa Hospital?” Nakaarkong kilay niyang saad.

Luh?

“Hindi niyo kasi ako tinakas, edi tumakas na lang ako mag-isa total ayon naman gawain ko noon.” Saad ko at ngumiti.

“Tinakas ka ni Jace?” Tanong niya at umiling ako. “Bakit magkasama kayo?” Tanong niya pa.

Aguy nagseselos.

“Kami? Ah, mahabang istorya pero. Marunong kaba mag repair ng cellphone?” Tanong ko ngunit umiling siya kaya napabusangot ako.

“Bakit nasira ba cellphone mo?” Tanong niya at pinakita ko ang cellphone ko.

“Na drain.” Saad ko at kinuha niya 'yon.

“Subukan ko ipaayos sa kaklase natin.” Saad niya kaya napangiti ako nang malawak.

“Sa iyong ngiti~ ako'y nahuhumaling~” Napangiwi ako dahil sa may kumanta at nilingon ko 'yon tawa-tawa silang nakatingin sa akin tapos si Ruru naman masama ang tingin sa akin.

Problema mo?

“Ako'y nagseselos, paano na kaya kung siya'y piliin mo? Paano na ako?” Pagkanta ni Leo pero parang ngayon ko lang 'yon narinig na kanta.

“Bagong kanta mo, Leo?” Tanong ni Axel at tumango ito.

“Oo at tayo na umuwi dahil ako'y giniginaw na.” Saad ni Leo at sumang-ayon sila habang ako medjo dahil naka jacket ako.

“Magpalit kana roon tapos si Jace sabihan mo na maligo 'pag-uwi.” Napatingin naman ako kay nathan habang nagtataka.

“Bakit naman? Malaki na 'yon.” Saad ko ngunit umiling 'to.

“Simula noon hindi siya naliligo sa ulan dahil ayaw at sakitin siya.” Saad niya at tumango-tango ako.

“Edi maligo siya.” Saad ko.

“Hindi nakikinig sa'min 'yon, mas nakikinig 'yon sa tatay at nanay niya lalo sa babaeng mahal niya.” Saad niya at napaisip naman ako.

Si Ishang kaya?

“Si Ishang?” Tanong ko at nagkibit balikat siya.

“Aywan ko, walang spark ih.” Saad niya na ikinataka ko at hinigit niya ako at binuksan ang pintuan sa kotse ni Ruru.

Luh, baka magalit na 'to kapag inupuan ko ang upuan niyang malinis dahil nga basa ako.

“Pumasok kana.” Utos niya.

“Paano ka?” Tanong ko.

“Sasabay ako kay Jp.” Sagot niya at tumango ako.

“Ano maghaharutan na lang kayo?” Napairap naman ako dahil sa sinabi ni Ruru.

“Palibhasa bitter hindi pinili.” Pagpaparinig ko at umirap bago ngumiti kay Nathan at umupo sa backseat.

“Anong sabi mo babae?” Tanong ni Ruru pero hindi ko siya pinansin sinarado ko ang pinto at binaba ang bintana.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Where stories live. Discover now