“I said don't ask me about him.” Mariing niyang sabi.

“Tulungan mo na lang ako mag confess sakaniya total crush ko pa naman si–Aray!” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tinigil niya ang sasakyan at nauntog ako sa harapan.
“Ano ba! Ano bang problema mo.” Inis kong sabi sakaniya at hinimas ang noo.

“Tsk.” Singhal niya at nagmaneho na.

“Tutulungan kita makahanap ng babae para sa'yo basta tutulungan mo ako kay Nathan.” Saad ko sakaniya at tumingon bago mag taas baba ng kilay.

“No.” Mariing niyang sabi.

“Ayaw mo? Gusto mo si Ishang? Sige tutulungan kita sakaniya tapos tu–” He cut me off.

“I said No!” He shouted.

“Tutulungan mo lang naman ako mag confess sa crush ko.” Saad ko at ngumuso maya't maya tumigil kami sa tapat ng tulay kaya bumaba ako at tumakbo kala Roger habang naka Hospital Gown.

Shite lamig.

“Ac!” Tawag ni Roger sa akin na may kaba sa pagmumukha niya.

“Ara!” Tawag nila sa akin at lumapit ako sakanila napatingin naman ako kay Phoenix na handa na tumalon.

“Phoenix!” Tawag ko sakaniya nang bigla bumuhos ang ulan.

Ay peste.

“Hala nakalimutan ko na uulan pala ngayon.” Rinig kong sabi ni Aldrin.

“Phoenix!” Sigaw namin sa pangalan ni Phoenix.

“Umalis na kayo! Hayaan niyo na ako! Ito naman ang gusto nila mama!” Sigaw ni Phoenix alam kong naiiyak na siya ngayon-ngayon.

Ano ba nangyari?

“Bakit ganiyan suot mo? Bakit ka nga pala andito?” Gulat na tanong ni Kevin sa'kin pero hindi ko siya pinansin.

“Phoenix ano ba! Bumaba ka diyan! Gusto mo ba magpakamatay?!” Sigaw kong tanong sakaniya habang nababasa nang ulan at umiihip ang hangin dahilan mapayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig.

“Oo! Magpapakamatay ako sa kasiyahan ng magulang ko! Apat na taon! Apat na taon wala ako sakanila ngunit hindi parin ako tanggap!” Sigaw niya at pumiyok sa dulo.

“Ano bang nangyari?” Nag-aalala kong tanong.

“Pumunta kami sa bahay nila dahil sabi niya gusto niya supresahin ang mama niya dahil kaarawan nito pero sinampal lang siya ng mama niya tapos hinihiling na nito na mamatay na lang ang .... Anak niya dahil kahiya-hiya siya.” Pagkwento ni Axel na malapit lang sa'kin at may jacket.

Nag jacket pa naol.

“Lumayo kayo! Hayaan niyo na ako! Sawa narin naman ako sa buhay ko! Palagi na lang ako nakakarinig na 'kadiri' subrang kadiri ko dahil bakla ako!” Sigaw ni phoenix at alam ko na umiiyak na talaga siya.

Akala ko ba hindi siya bakla? Kahit naman bakla tanggap ko parin siya

“Lahat kayo! Peke kayo! Alam ko sa likod likod niyo'y iniinsulto niyo ako! Tama na! Pagod na ako umiyak! Pagod na ako mabuhay . . . gusto ni mama mamatay na ako. . . kayo ba? Gusto niyo rin 'di ba? A-ayaw n-n'yo lang . . . Sabihin...” Umiiyak niyang sabi sa'min. “Masama ba maging bakla sa harapan niyo? Masama ba maging ibang tao? Kadiri naba talaga ako?” Umiiyak niyang dagdag at umupo sa sahig.

Ang lamig.

Lumapit ako kay Phoenix at niyakap siya. “Hindi masama maging ibang tao sa harapan namin kung sino man 'yong mandiri sa kataohan mo sila ang mas nakakadiri.” Saad ko sakaniya at hinagod ko ang likod niya.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon