And also, I have to build a good reputation in the community. This way, hindi ako mahihirapang bumuo ng alliance o partnership.


"Dumating na s'ya," bulong sa akin ni Alice.


Kaagad naman na pumalagpag ang aking tainga sa narinig. Dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo para salubungin siya. And I was about to call Frodo's name nang mapahinto ako.


Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Napawi ang mga ngiti ko nang makita ko na nakahawak si Frodo sa baywang ni Felicity. Nagulat naman siya nang makita ako. Kahit ako ay bahagya ring nagulat.


Ang mas ikinagulat ko pa nang madako ang paningin ko sa suot ni Felicity. Hindi ko aakalaing parehas kami ng damit na susuotin.


"Portia!" Alice gritted her teeth.


Naalala ko naman agad na bigay ni Frodo sa akin itong damit na suot ko. Hindi niya kasi nakakalimutang bigyan ako ng pasalubong sa tuwing uuwi siya.


Pero bakit naman ito gagawin ni Felicity? Hindi naman siguro niya babalaking gawin ito kung alam niyang ito ang isusuot ko. Di ko rin siya puweding sisihin dahil hindi ako sigurado kung nag-iisa lang ba ang damit na ito. Which is very impossible.


"Oh my..." she was also shocked nang makita ang suot ko. Her eyes flashed with concern.


"W-what are you doing, Frodo? Nakatingin sa atin ang a-asawa mo..." Felicity pursed her lips slightly at napaiwas ng tingin.


Nag-umpisa na naman na umalingawngaw sa paligid ko ang mga bulung-bulungan ng mga tao rito. Sinasabi nilang panakip butas lamang daw ako. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nakaka-move on si Frodo. Pero siguro nga totoo ito.


"My lady I—" hindi ko na pinatapos pa si Alice.


"Let's go, Alice," I said in a calm manner.


"I have something else important to do. Bumalik na tayo sa loob."


Their gazes were unwelcoming. Even Frodo is acting oblivious. Bakit pa ako mananatili roon?


Hindi ko namamalayang pumunta na pala ako sa buffet line. Bumungad sa akin ang second child na si Pietro, tahimik lamang siyang kumukuha habang nakatalikod sa akin. Napangiti ako at kinalabit siya.


"Fuck you ka, Sebastian! Ano na naman—" hindi niya na naituloy ang sasabihin nang makita niya ako.


Bahagya siyang nagulat. He was suddenly flustered. Napaiwas siya ng tingin at napamura pa ulit.


"Stop cursing. You're underaged." I scolded him. Kumunot naman ang kanyang noo na napatingin sa akin.


"No. I am not. I'm 18 years old." madiing bigkas niya pa.


"But 18 is still a baby though..." makahulugan naman akong ngumisi kaya napangiwi siya. "Bata ka pa para sa mga gano'n."


"Stop calling me bata!" he huffed.


Sa huli ay ginulo niya ang kanyang buhok nang walang nagpatalo sa amin.


Under the Red-Light DistrictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon