"Okay stop na!" Sabi ko dahil nakailang ulit na, na may nakakatama sa ulo ko ng papel.

"So ano bar tayo later?" Sabi ni Meredith na ikinagulat namin.

"Hey, first time mong magyaya ah!" Gulat kong sabi. Napangisi naman ito at ipinakita ang card ni sir Jake.

Nanlalaki naman ang mga mata namin sa nakita. "Omg!!!" Tili ni Stacy.

Agad naman syang hinampas ni meredith at inirapan. "Kinuha ko toh sakanya ng hindi nya nalalaman" sabi nya habang tumatawa ng nakakaloko.

Natawa din kami ni Stacy at sumang-ayon sa pagyaya nya sa bar.

"Dahil friday naman na ngayon, mamayang 8pm hah!" Tumango naman kami ni Stacy at lumabas na.

"Sige na mauuna nako! Susunduin pako ni Jake" sabi ulit ni Meredith at pumunta na ng parking lot.

Humiwalay na din saakin si Stacy kaya ako nalang ang mag isa dito sa bench. Kasabay ko sana si Timothy umuwi ngayon kaso nga lang ay kasama nya ang ibang professor's at may dinner daw sila dahil tapos na nga ang finals.

Bumuntong hininga nalang ako at humalikipkip. Naramdaman ko namang may umupo sa gilid ko pero hindi ko nalang pinansin.

"Alone?" Gulat akong tumingin kay Stanley na nakapikit habang nakasandal sa bench.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong sakanya. Nagmulat naman sya ng mata, as always wala paring emosyon ang mukha nya.

"Just bored." Maikling sagot nito.

Napatango naman ako at akma ng tatayo nang hawakan nya ang kamay ko.

Liningon ko naman sya at takang tinignan.

"Stay" maikling sabi nito at hinila ako paupo sakanya. Nagulat naman ako ng sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Stay. Just this time." Sabi nito. Kahit na naguguluhan ako ay tumango nalang ako at hinayaan syang matulog sa balikat ko.

Pagkatapos ng isang oras ay nagising din ito. "Are you okay?" Tanong ko sakanya.

Tumango naman ito at tumayo na.

"Thanks" maikling sabi nito at umalis na.

Tumingin naman ako sa orasan ko at nakitang 6:30 pm na.

Napabuntong hininga naman ako at umuwi na.

Nasa Crimson's bar na kami nila Stacy. Sabi ni Stacy ay bagong bukas lang daw itong bar na toh kaya daw dito kami.

I'm just wearing a tight black dress and a black stilletto.

"Asan naba si Meredith?!" Sigaw na sabi ni Sracy dahil 9pm palang ay maingay na sa Crimson's bar.

Nagkibit balikat lang ako at umupo na sa stool chair dito at nagorder ng shot ng tequila. "2Shots of tequila please" sabi ko sa bartender habang kinakausap si Stacy.

"Okay ma'am" kunot noo akong lumingon sa bartender dahil pamilyar ang boses nito.

Bago pa ako makapagsalita ay dumating na si Meredith habang ang lawak ng ngiting palalapit saaamin.

She's wearing a seductive red dress, habang si Stacy naman ay naka off shoulder red dress with a hint of black.

"Meredith buti naman at nandyan ka na!" Sabi ni Stacy. Napailing nalang si Meredith at ininom ang inorder ko na tequila.

Siguro ay hindi nya pa rin napapansin si Liam na nakatitig sakanya.

"Tara! doon tayo sa may couch, ano bang ginagawa nyo dito?!" Sigaw saamin ni Meredith at hinila kami.

Ibang-iba si Meredith ngayon. Siya talaga ang hindi party girl saamin ni Stacy kaya nakakagulat na sya pa ang nagyaya.

Pagupo palang namin doon ay tinawag nya kaagad ang waiter at nagorder ng hard drinks pati cocktails.

"Hey, are you okay Meredith?" Nagaalala kong tanong.

Tumingin naman sya saakin habang umiinom ng black label.

"I'm fine Zara. Tapos na ang finals kaya dapat magcecelebrate tayo noh!" Sabi nito at nakipagcheers pa kay Stacy.

Napailing nalang ako dahil tama naman ang sinabi nya. We should celebrate.

Nagulat naman ako ng may nagtext saakin. It's Timothy.

𝘉𝘢𝘣𝘦

𝘞𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶?

Nalaman nya kasi na 'Mr. Masungit' ang name nya sa contacts ko kaya pinalitan nya kaagad.

𝘈𝘬𝘰

𝘈𝘵 𝘤𝘳𝘪𝘮𝘴𝘰𝘯'𝘴 𝘣𝘢𝘳.

Sabi ko at pinatay na ang cellphone ko, hindi na inantay ang reply nya.

Nagsaya nalang kami nila Meredith dahil sya ang magbabayad.....gamit ang card ni sir Jake-her husband.

Makalipas ang ilang oras na pagiinom ay napagdesyunan naming sumayaw sa dancefloor dahil 11pm na.

Habang sumasayaw ako doon ay may lumapit saakin na lalaki at hinawakan ang bewang ko. Galit ko namang tinanggal ang kamay nito doon at lumayo.

"Why, you don't like dancing with me?" Galit ko namang nilingon yung taong nagsalita.

Inirapan ko naman ito at lumayo nalang. He's not my babe so I'm not dancing with him!

Bumalik nalang kami nila Meredith sa upuan at uminom nalang.

Itong si Meredith naman ay nagyayang mag body shot.

Si Stacy naman ay tuwang-tuwa, sabagay wala naman na syang jowa.

"Bahala kayo! But me I'm not doing that" asik ko sakanila at uminom nalang.

I have a high tolerance, that's why it's okay with me to drink alot....but not that alot.

Tumango naman silang dalawa at tumayo na. Habang ako ay naiwan na umiinom doon. Nagulat naman ako ng may nagsigawan doon.

Gulat akong napatingin banda kila Meredith na nagulat din sa nangyayari. Nakita ko si sir Jake na galit na galit habang si Steven naman ay ganun din habang hawak hawak ang lasing na si Stacy.

Napatayo naman ako pero agad natumba, pero nagulat ako ng may humawak sa bewang ko.

Fuck this Jack Daniels. I hate it now.

Napalingon naman ako sa likod ko at nakitang si Timothy pala ito habang madilim ang mukha.

Hindi ko nalang sya pinansin dahil sa kalasingan at lumapit kila Stacy.

"I said use my card for your bags and dressess not for this!" Rinig kong galit na sigaw ni sir Jake habang hawak hawak sa bewang si Meredith.

Naaninag ko naman si Stacy na pilit humihiwalay kay Steven. "Ano ba! Wag mo nga akong hawakan doon ka sa kabit mo!" Galit na sigaw ni Stacy.

"Bro, I'll take home Stacy" tumango nalang si Timothy at si sir Jake sa sinabi ni Steven.

Umangal naman kami ni Meredith. "Hey, don't touch her!" Sigaw ni Meredith kay Steven pero nakalayo na si Steven saamin.

"You! I'm giving you a punishment for doing this! Doing body shots to a boy hmm? Mrs. Montenegro" rinig kong sabi ni sir Jake habang binuhat na pa bridal style si Meredith.

Napasandal naman ako sa dibdib ni Timothy at pumikit na.



~~~

:)

Kindly vote and comment!


ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs


I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now