29

699 19 0
                                    

Chapter 29

Nagulat naman ako sa sinabi ni Stanley at napakurap kurap sa harap nya.

"What?" takang tanong ko.

Umupo naman ito ulit at sumandal sa sofa.

"I said I'm here because of you...remember our cooking contest?" Napatampal naman ako sa noo ko nang maalala yung cooking contest is next week na.

"You forgot?" Nagtatampong tanong nito. Umiling naman ako.

"No. It's just that I have a hangover right now" aniya ko.

Napatayo naman si Stanley sa gulat at lumapit saakin.

"Hey are you alright? Have you drink medicine for your headache?" Nag-aalalang tanong nito.

Lumayo naman ako unti at ningitian si Stanley.

"Yes, I'm fine...mag-aayos lang ako and we will talk about the cooking contest." Sabi ko at umakyat na sa taas.

PAGKATAPOS kong mag-ayos ay bumaba nako. Nakita ko naman si Stanley doon na may pinapanood sa laptop nya. Lumapit naman ako sakanya at tumayo sa harap nya.

Tumikhim ako ng hindi nya pa din ako napapansin. Napaangat naman sya ng tingin saakin at agad na sinarado ang laptop nya. "A-andyan ka na pala" sabay kamot sa batok nito.

Tumango naman ako. "Ano? Simulan na natin?" Tanong ko na ikinatango naman nya.

Nagpunta lang kami sa garden sa labas at sinimulan na mag-usap tungkol sa cooking contest.

"Dahil yung mga ingredients naman ay required na tayo ang bibili ay need na natin bumili right?" Tanong ko.

Tumango naman sya saakin at ibinigay ang notebook nya saakin. "Para saan toh?" Takang tanong ko at nilingon ang notebook nya.

Napalaki naman ang mata ko at nakitang nandon na pala lahat ng ingredients na bibilhin namin sa bawat na dish.

"Ikaw nagsulat nito?" Manghang tanong ko dahil ang dami non.

"Yes. I just wrote it yesterday." Sabi nya.

Tumango naman ako at tinignan ang laman ng notebook nya.

Nakalagay din doon kung ano yung mga dish na lulutuin nila.

𝐀𝐩𝐩𝐞𝐭𝐢𝐳𝐞𝐫: 𝐁𝐫𝐮𝐬𝐜𝐡𝐞𝐭𝐭𝐚
𝐌𝐚𝐢𝐧 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞: 𝐈𝐭𝐚𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐬𝐚𝐠𝐧𝐚 𝐁𝐨𝐥𝐨𝐠𝐧𝐞𝐬𝐞
𝐃𝐞𝐬𝐬𝐞𝐫𝐭: 𝐓𝐢𝐫𝐚𝐦𝐢𝐬𝐮

Napangiti naman ako dahil favorite ko talaga ang Tiramisu.

"So, kailan tayo mamimili?" Tanong ko sakanya. Lumingon naman sya saakin at nag-iisip.

"Hmmm maybe.....this monday afternoon....sounds good?" Tanong nito. Ngumiti naman ako at tumango.

Nag-usap lang kami ulit tungkol sa ibang details at umalis na din kaagad si Stanley dahil hapon naman na.

Pumunta lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Napalingon naman ako sa cellphone ko ng magring ito.

"Hello?"

[Hello Zara, kita daw tayo sa Brazz Mall sabi ni Stacy.]

Sabi ni Meredith sa kabilang linya.

"Okay....what time?" Tanong ko.

[Ngayon na daw, kaya nga nagbibihis nako eh....sige byee] sabi nito at pinatayan na ako ng tawag.

I sighed at pumunta na sa closet ko para humanap ng damit. Nagsuot lang ako ng floral dress at pair of sandals.

Nagtext naman ako kay Meredith at sinabing papunta na ako. Nagtext naman ito pabalik at sinabing magkita nalang daw sa starbucks.

Pumunta na ako sa garage namin at pumunta sa kotse ko.

Pagbaba ko sa sasakyan ko ay bigla naman tumunog uli ang cellphone ko. Sinagot ko naman kaagad ito nang makita na si Timothy pala yun.

[Hello, Babe]

Napangiti naman ako ng marinig ang boses nito.

"Hi. Why did you called?" Tanong ko habang naglalakad.

[Nothing, I just missed you]

Namula naman ako at napangiti.

"Uh-huh...I miss you too but we just saw each other right?" Natatawa kong sabi.

Nang makita ko ang starbucks ay agad naman ako naglakad papunta doon.

"Babe. I'm seeing my friends right now. Call you later bye" sabi ko at binaba na ang tawag.

Papasok na sana ako doon ng may nakabangga akong babae. "Hey, watch your step!" Lumingon naman ako dito at sinalubong naman ako nito ng tingin na galit na galit.

"I'm sorry I didn't mean to walk in your way" Sabi ko at medyo lumayo sakanya. Inirapan naman ako nito at umalis. Napakunoot naman ako ng noo at pumasok nalang sa loob.

Nakita naman ako kaagad ng mga kaibigan ko na nag-uusap. Lumapit ako kaagad dito at bumeso sa mga kaibigan ko.

"I'm sorry I'm late" sabi ko at umupo na. Ningitian naman ako ni Meredith at tumango.

"It's fine." Sabi naman ni Stacy na nanahimik.

"Why...what's wrong, Stacy?" Nag aalala kong tanong.

Nagulat naman ako ng biglang umiyak ito, dahil katabi naman ni Meredith si Stacy ay agad inalo ni Meredith si Stacy.

"W-we b-broke up." Nagulat naman ako at hindi alam ang sasabihin.

"Why...why did you broke up?"  Tanong naman ni Meredith.

"I s-saw h-him w-with his ex....they're kissing"

"Omyghad Stacy..." Nag-aalalang sabi ni Meredith habang pinapatigil parin umiyak ang kaibigan.

"When did that happened?" Tanong ko ng makabawi.

"Kaninang umaga lang...pagkagising ko sa condo nya. Lumabas ako sa kwarto nya at nagulat ako ng makita na may kahalikan sya. Lumabas kaagad ako ng condo nya at umuwi sa bahay." Sabi nito ng makatigil sa pag-iyak.

"Mga lalaki nga naman....kaibigan pa sya ni Jake tsk" Naiinis na sabi ni Meredith.

Humarap naman ako kay Meredith at Stacy at hinawakan ang mga kamay nila.

"Be strong okay? I'm here for you guys..." sabi ko at nilapitan sila sabay yakap.

"Okay tama na nga yan HAHAHAHAHA tama na ang drama" natatawang sabi ni Meredith.

"Magsimula ka ulit Stacy, kahit na mahirap. Finish your studies first okay?" sabi ko ulit at niyakap si Stacy.

"Yes at tsaka mas maganda naman ako sa ex nya, if his mother doesn't like me then, it's not my fault anyways" sabi nito at umirap.

Natawa naman kami at hinampas si Stacy. "Aray hah!" Angal nito.

"Okay, that's enough mag-shopping nalang tayo girls!....My treat!" Natuwa naman kaming dalawa ni Stacy dahil manlilibre si Meredith. Minsan lang kasi ito manlibre kaya sinusulit na nila.

~~~

:)


ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now