chapter eleven (hotdog, bacon, egg and fried rice without garlic)

Start from the beginning
                                    

" at kailan ka pa natutong magluto?" pagkuwan ay tanong niya dito.

" 5 years akong independent sa US alice, natutunan ko ang mga basic na gawaing bahay,  I also know how to properly clean the house and washed clothes" sabagay naisip niya, mag isa lamang ito doon, kaya siya lamang ang gagawa ng mga iyon.
Nang maihain na nito ang mga niluto sa lamesa ay nagtimpla naman ito ng coffe at milk, inabot nito sa kaniya ang milk, natatandaan niya pa na hindi siya nagkakape at gatas lang talaga ang iniinom niya every morning.

Tinitigan niya ito, bakit parang wala na siyang madamang galit dito sa ginawa nito kagabi, bakit ni wala siyang makapang galit sa dibdib, bakit isang ngiti lang nito nawawala ang galit niya?

Kumain na lang siya para matapos na, nang matapos silang kumain ay inililigpit na niya ang pinagkainan ng pigilan nito ang kamay niya binawi niya ang kamay dito.

" ako na lang" sabi nito.

" no, ako na lang"

" alice-
" ako na lang" aniya, nagkibit balikat na lang ito.

" alice aalis ako ngayon ahh" tumango lang siya, mabuti na rin iyon para hindi siya maconscious.

Umakyat na ito sa taas, matapos maghugas ng kinainan ay naglibot libot siya sa bahay, napakaganda talaga nito, interior or exterior designs are both excellent.

Napadpad siya sa may garden, napansin niyang maraming iba't ibang halaman at mga bulaklak doon, mukhang alaga ang mga ito kasi naka landscapped pa ang mga ito, maging ang tubo ng bermuda grass ay maganda.

May nakita din siyang swing, wow mahilig siyang mag swing lalo na pag stress siya o nag iisip eh nag swi-swing siya.

Pumunta siya doon, umupo siya sa swing.Mula ngayon dito na ang bahay niya, dito na siya titira, kasama si inigo.

MAsarap sanang isipin kung mahal lang sana siya nito, pero hindi eh, pinigil niyang lumuha.

NArinig niya ang pagtawag ni inigo sa kaniya, kaya pumasok na ulit siya sa bahay, nakita niya itong naka business attire na, kay kisig nitong tingnan, hindi niya maiwasang humanga sa asawa.

" aalis na ako" hahalik sana ito sa pisngi niya pero umiwas siya. Tinitigan siya nito at napabuntong hininga na lang.

" i'll go ahead" anito tsaka lumanas na, ng marinig niya ng pag alis ng kotse nito ay tinext niya agad si richie na sunduin siya, tinext niya rin ang address nila.

Umakyat siya para magpalit ng damit.After 45 minutes eh narinig niya ang pagbusina, si richie na yun. Kinuha niya nag bag niya at lumabas na, nakita niyang nakatayo na ito sa may gate.

" ganda ng bahay niyo friendship, bet na bet!"

" tara  na !"

habang nasa biyahe ay hindi siya nakaiwas sa pangungulit nito.

" kumusta naman ang buhay may asawa?"

" oh richie please, wag ka ng mag tanong. alam mo naman ang real score diba?"

" but still i can sense and don't you ever ever deny it"

" ang alin na naman?" nakataas na ang kilay niya dito.

" na mahal mo pa rin siya" natahimik siya, ganon ba siya ka-transparent?

" hindi ah!"

" hmmp hindi ka dyan!"

" hindi nga sabi eh" naiinis na talaga siya.

" oh edi hindi kung hindi" anito na pinipigilan ang mapangiti.

Pagdating nila sa set ay kita niya agad si allen.

" hi allen"

" hi" anito, may lungkot sa mga mata.

Pagkatapos ay pinausapan na nila ang tungkol sa mga scenes na kukunan pa nila. MAg 11 a.m na ng magpa break siya, gutom na rin kasi siya. Niyaya na nila ni richie si allen mag lunch, they decided to eat on a italian retaurant.

" malapit na tayong matapos guy's congratulations to us, at tuwang tuwang si miss allison fuentebella sa mga shot na emphasize daw talaga natin ang mga designs niya. " masayang sabi ni richie, si allison ang may ari ng Ladies&Gentlemen, who happens to be her cousin, magkapatid ang mama niya at ang papa nito.

" yeah thanks to you guy's lalo na sayo allen"

" you're very much welcome" anito.

" ahm guy's i'll just excuse myself, c.r lang ako" paalam ni richie.

Sandaling katahimikan ang naghari sa kanilang dalawa.

" congratulations nga pala sa kasal mo" napatingin sa dito, pilit ang ngiti nito.

" thanks"

" nakakatawang isipin na binabati kita sa kasal mo, when ive always imagine myself before na ako ang magiging groom mo" pilit ang tawang sabi nito na napapakamot pa sa ulo.

" allen"

" don't worry alice, i'm okay" anito, pero halatang nasaktan ito.

Hinawakan niya ang kamay nito.

" i'm sorry allen"

" you don't have to say sorry alice, i understand"

" your such a wonderful person allen, i'm sure mahahanap mo rin ang tamang babae para sayo"

" i hope so" anito.

" Friends?" aniya, ngumiti ito

" oo naman alice, ahm pero pwedeng last request?"

" ano yun?"

" pwede ba kitang mayakap?"

" yun lang pala, oo naman"

Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya, ang hindi nila alam isang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila ngayon at selos na selos.




----------------------


Hi guy's!



Hope magustuhan niyo chapter na ito :)


PLEASE LEAVE A COMMENT AND PLEASE PAVOTE NA RIN PO thank you :D


andie_killersmile

You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)Where stories live. Discover now