chapter six( what?! Is this a joke?! )

15.5K 277 4
                                    

"teke nga, bitawan mo nga ako, kaya kong sarili ko" aniya, pero parang wala itong naririnig at hila-hila pa rin siya. Hinihila niya ang kamay niya, pero sadyang mas malakas ito sa kaniya, kaya nag patianod na lang siya.

Pagtapat  nila sa frontdoor ay binitawan na siya nito. Sinenyasan siya nito na pumasok na siya.

Ipiniling niya ang ulo niya at pinagtaasan ito ng kilay.

" sabihin mo muna sa akin, kung sino ang naghihintay sa atin? aniya habang nakahalukipkip.

" it's a surprise sweetheart" anito sa kaniya, tumaas lahat ng balahibo niya sa sinabi nito.

" wag mo akong tatawaging sweetheart! " aniya, tsaka ito tinalikuran at pumasok na nga sa pintuan, ang kapal naman nyang tawagin akong sweetheart!

Nakasunod naman ito sa kaniya, nilingon niya ito, ngiting ngiti ito na tila enjoy na enjoy samantalang siya nagngigitngit na sa inis.Inismiran niya ito.

Nang marating nila ang sala ng villa ay nadatnan niya ang kaniyang papa na masayang ka-kwentuhan ang parents ni kuya inigo.

Sila ba ang tinutukoy nitong naghihintay sa kanila, pero bakit? anong meron?





"P-papa? Tito, tita, ano pong ginagawa niyo dito?" takang tanong ko sa kanila.

Napatayo naman ang mga ito, sinalubong siya ni tita marisse at nakipag beso beso sa kaniya, nginitian naman siya ni tito albert.

" kanina pa kami naghihintay sa inyo hija, we've been here for almost an hour, halika maupo ka sa tabi ko" sinunod naman niya ito, tita marisse have always been so good to her pati rin si tito albert, tinuring na siyang anak ng mga ito, dahil wala silang anak na babae, siya na lang daw, kaisa-isang anak lang din kasi si kuya inigo eh.

You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon