"Hindi ka pa pupunta doon?" she asked Claine, referring at the table where all their friends are there now.


Nanatili ang titig ko sa niluluto. Kung aalis na siya, dalawa na lang kami ni Claine dito pero kung sasama si Claine ay ako ang magiisang magiihaw ng mga may sampung stick ng barbecue. Okay lang naman sa akin kung iwanan nila ako dito.


"Mauna ka na." Claine in his serious tone.


Tumingin sa akin si Ariene na nakakunot ang noo pero ng bumaling kay Claine ay ngumiti at tumango. Nang naglakad siya papalayo ay napangisi ako.


"Okay lang ako dito Claine."


Kaya kong magisang magluto ng mga ito. Really? Kinuha ko sa kaniya ang lalagyan ng barbecue at ako na mismo ang naglagay doon ng mga naluto na. Tahimik niya akong pinanood.


"What?" I asked ng ilang minuto ay hindi pa rin siya nagsasalita.


I heard his heavy sigh.


"Just call me Clay," aniya.


Nagangat ako ng tingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin. Napamaywang ako na humarap sa kaniya.


"Clay? Alright... As you wish"


Napangiti ako ng mapilyo. I am not comfortable sometimes to call his nickname and I don't know why. Hindi naman mahaba ang name na Claine pero kung bibigkasin ko ang nickname niya ay parang nasa ibang level na. The feeling of being close to someone, that's it.


"I'm gonna take off my shirt later." I grinned. Agad siyang lumingon sa akin. Galit.


What? Lalangoy ako sa dagat na naka t-shirt? Tsk. Wala pang tayo Clay kaya hindi dapat lagi nasusunod utos mo. What if kung kami na edi mas bossy na naman siya. Damn Hill! You are too advance with your assumptions!


His eyebrows furrowed.


"Akala ko nilalamig ka?"


Napataas ang kilay ko doon. I'm not cold Claine, I wear T-shirt because you command it. Ganito ba siya sa mga girlfriends niya noon? Hindi na ako magtataka kung walang nagtagal. This why I hate boys sometimes. Sobra ang pagkapossesive nila sa kanilang girlfriend. But for Claine being possessive is wonderful for me.


"Hindi na ngayon," sabi ko saka kinuha na lahat ng barbecue at nilagay sa pinggan.


Magsasalita pa sana ako pero narinig ko ang tinig ni Zack na nanguuyam.


"Uyy! Hindi pa tapos yan?"


Tinaas ko ang pinggan na hawak ko para ipakitang tapos na. Nakapamulsa lang si Claine sa aking gilid.


"Punta na tayo roon," sabi ko saka naunang naglakad.


IntentionWhere stories live. Discover now