Nagtataka talaga ako kung bakit ganun nalang kadesperado si lolong malaman ang katauhan ni cristy--I mean, wala namang kakaiba sa kanya.


Humiga ako sa kama. Naalala ko ang nangyari kanina.


Nakita ko si Jena kanina at nagkatuwaan ng biglang dumaan si Cristy na nakakunot-noo at deretso ang tingin. Nagseselos siguro siya haha!

Alam kong assuming ako pero hindi ko talaga maiwasang hindi isipin yun.


Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang number ni Cristy. Kinuha ko to kay Jevie kanina dahil alam kong hindi ibibigay ni Cristy kapag sa kanya ko kinuha to.


Di-nial ko yun at nataranta pa ako ng mag-ring yun.


"Hmmm--" pinatay ko agad yun ng sagutin niya. Sh*t! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganun ba talaga ako natamaan sa kanya?


Napalunok ako ng subukan ko ulit yung idial.


"Kung sino ka man, papatayin talaga kita sa pambubulabog sakin!" Napangiwi ako ng bumungad yun sa pandinig ko. "Sino ka ba? Hatinggabi na, nang-iistorbo pa!" Napangiti ako sa tono ng boses niya. Ganyan na ganyan ang tono niya nung unang nilapitan ko siya. "Clark, I swear.. humanda ka sakin bukas--"


"Tss!" Pinatay ko agad yung tawag. Clark na naman? Hanggang siguro sa panaginip yung Clark na yun ang nakakasama niya! Bwisit! At ano daw? Bukas? Magkikita na naman sila bukas? Hah! Eh di magkita sila, pakialam ko naman! P*ste!


Nawalan agad ako ng gana kaya inilapag ko ang cellphone ko. "Makatulog na nga!"


*****

"Pasok na po ako, mom." Kiniss ko si mommy sa cheek.


"What's wrong? You have a dark circle under your eyes? Puyat ka ba?"


"Sa ano lang po.. sa mga projects.." palusot ko.


"Wag mong masyadong isipin yang projects mo. Take time to rest. Okay son?"


"Yes, mom. Bye!" Sumakay na ako sa kotse ko.


Nanalamin pa ako at tama nga si mommy, maitim nga ang ilalim ng mata ko.


"Tss!" Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Cristy at Clark, lalo ng magkikita parin sila ngayon. "Palagi nalang kayong nagkikita! Pakasal na kaya kayo!"


Iniisip ko kasi kung bakit magkikita na naman sila ngayon, anong gagawin nila at kung saan sila pupunta. Hanggang sa hindi ko na namalayan yung oras. Madaling araw na nung mapansin ko.


Pinaandar ko na ang kotse ko at pinausad patungong school.


"Bwahahaha! Anong mukha yan? Parang adik hahaha!" Bungad sakin ni Albert pagkapasok ko palang ng school.


"Hahaha! Oo nga. Ano bang nangyayari sayo? May pinagpuyatan ka ba kagabi?" Segunda naman ni Brian.


Tss! Inaasahan ko na to.

>_<


"Pumasok na nga lang tayo!" Sabi ko at iniwan sila.


Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Cristy na naglalakad ng mag-isa.


Pinilit ko ang sarili ko na wag siyang pansinin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang hindi ko siya nakita.


Kasalanan mo to! Kasalanan mo to!


You Belong To MeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum