"Itinago ko ito kay Mommy lahat ng mga ginawa ko para mahanap kita...."she continued.

"Bakit mo tinago sa kanya?"tanong ko sa kanya.

Bakit niya tinago? e'di sana hindi nagsusuffer si Tita Rica dahil nawalan siya ng anak.

She smiled weakly ,"Dahil ayokong magulo na naman ang utak niya. Dahil kapag sinabi ko ,babalik na naman siya sa dati at baka....buong magdamag ka hanapin at yun ang ayokong mangyari..."nakita kong lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko ,"Mas iniisip ko ang mental health ni Mommy ,dahil matagal siya magsuffer bago siya nakarecover sa depression niya...."

"Stephanie....."

"Pero nung nagcollege ako ,balak kita puntahan sa Ilocos para magpakilala na bilang kapatid mo. But it's too late ,dahil wala na akong nadatnan na tao sa bahay na tinuluyan niyo. Nagtanong ako sa kapitbahay niyo kung bakit walang tao? pero sinabi niyang ang mga nakatira diyan ay umalis na ng Ilocos dahil namatay na ang mag asawang kumupkop sayo..."she wiped her tears before speak ,"Halos gumuho ang mundo ko dahil sa nalaman ko ,dahil kukunin na sana kita pero......bigla ka namang nawala sa lugar na yun......."

My mouth parted. Ramdam ko sa boses niya ang hinanakit at emosyon na matagal na niyang hindi nailabas.

"After ng nangyari ,wala na akong naging balita sayo.....hindi na rin kita mahagilap ,dahil hindi ko na alam kung saan pa kita hahanapin....."she bit her lip again ,"Sa sobrang abala ko sa pag aaral ko ,hindi na ako umaasa pang makikita kita dahil wala na akong idea at masasaktan lang ako kung patuloy pa rin kitang hahanapin...."

Fuck!

"Pero sobrang saya ko na muli kitang makikita dahil si Bullet pa ang dahilan kung bakit pa kita nakita."she smiled weakly ,Sa mall? dun niya ako nakita uli?"Masasabi kong swerte pala na kakilala ko si Bullet.."

Nakita kong ngumiti siya at kahit pilit siyang ngumiti nandoon pa rin ang lungkot sa mukha niya.

"I-ibig sabihin ,hindi ko tunay na kapatid si Jaycee?"tanong ko sa kanya kaya nagbago ang expression niya. She sighed deeply ,nag iisip pa kung sasagutin ba niya.

"Yes ,hindi mo tunay na kapatid si Jaycee."sagot niya kaya hindi ako makakibo dahil wala akong salitang mailabas ,"Tunay na magulang ni Jaycee ay yung mag asawang kumupkop sa'yo."

Kahit na nag explain na si Stephanie ,di ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ba na sa wakas ,siya ang tunay kong kapatid at pamilya o maging malungkot dahil hindi ko minsan naging kadugo si Jaycee na minahal ko bilang kapatid ko dahil siya ang tinuring kong tunay na pamilya ,tapos malalaman ko lang hindi siya ang kapatid ko ,kundi si Stephanie?

"Kaya Claudette ,tama na ang 9 years na pagtitiis ko. Gusto na kita makasama...."pakiusap niya sa akin ,"Gusto na kitang makabonding ,para.....maranasan ko kung anong feeling na may kapatid...."she smiled bitterly.

Unti- unti na bumabagsak ang luha ko habang nakikita ko si Stephanie na nakikiusap sa kanya. Ramdam ko sa kaniya na gustong gusto niyang makasama ang kapatid niya at gumastos pa siya ng pera sa akin para lang hanapin ako!

"K-kung a-ayaw mo pa rin m-maniwala sa sinabi ko sayo ,"she suddenly wiped her tears ,"Magpapa DNA test tayo ,para maniwala ka sa mga sinasabi ko! Tama na yung 9 years na paghihirap ko ,DNA na lang ang pag asa ko para lang maniwala ka sa akin.

Hanggang sa nakauwi na ako ay di ko pa rin maproseso ang mga sinabi sa akin ni Stephanie. Halos nagtatanong na sa akin si Garrett kung ano ba ang sinabi sa akin ni Stephanie kung bakit natulala na lang ako pero hindi ko siya kinibo. Wala akong oras para sagutin lahat ng tanong niya.

Di ko matanggap na ampon lang ako! hindi ko matanggap na hindi ko kapatid si Jaycee. Hindi ko matanggap na hindi nasabi sa akin ng mga kinalakihang magulang ko ang totoo na pinulot lang pala nila ako sa tapat ng bahay nila. Bagkus ,nagsinungaling pa sila na totoong anak nila ako!

Together For A Day ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt