Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Dinner came and Cairus didn't show up. Hindi pa siya lumalabas sa kuwarto niya simula nang dumating siya, marahil ay nagpapahinga.

Nabahala ako nang maisip na baka hanggang ngayon ay nagtratrabaho siya kaya hindi siya lumalabas.

"Tita, can I go inside Cai's room?" Hindi na ako nahiyang magtanong. "Gusto ko kasi sana siyang tingnan kung ayos lang ba siya. Mukha po kasing pagod na pagod siya nang dumating kanina."

"Yes, hija," she answered. "I haven't check him yet since we came. Nag-aalala na ako sa kaniya at ilang araw na si siyang hindi natutulog."

"He's going through a lot," Tito Cain interfered. "I hope you can help him."

Tumango na lang ako at nang matapos kami kumain ay sumaglit na muna ako sa kwarto para magpahinga at mag-isip. Nag-check din ako ng emails at nakitang tambak na naman iyon pero hindi ako nagrereklamo.

Alas nuwebe na nang tingnan ko ang oras kaya tumayo na ako. Tahimik na naman sa labas kagaya nang madalas. Kumatok ako sa pinto ni Cai pero hindi siya sumasagot. Nang makailang ulit at wala talaga akong naririnig, pinihit ko na ang doorknob at hindi 'yon naka-lock.

Nakita ko siyang natutulog. Maingat akong naglakad papunta sa  kama niya saka dahan-dahang umupo. Pinagmasdan ko siya, mabigat ang kaniyang paghinga.

Kung tititigan mo siya ay para siyang anghel na natutulog. Wala sa sariling napangiti ako. I don't understand why there are people addressing him that he is ruthless. Hindi ko iyon makita... o hindi ko lang talaga siya masyadong kilala at mas pinili kong tingnan ang mabuti sa kaniya.

There are rumors spreading since then about how bad of a person he is. I can't really see it. He may be cold but to think of that he can hurt someone physically as how they say is hard for me to believe.

Mukha lang siyang may gagawing masama pero hindi naman siguro siya mananakit ng tao.

Is he really ruthless?

Siguro tanga lang talaga ako. Ilang beses niya na nga ako nasaktan, hindi man physically pero sa mga salita niya at paraan nang pakikitungo sa akin. Tinatanggap ko naman kasi nga tanga ako.

Inangat ko ang kamay ko papalapit sa mukha niya. Kumunot ang noo ko nang maramdaman na sobrang init niya. Kinapa ko rin ang leeg niya.

He flinched and slowly opened his eyes. "M-mil..." he said huskily.

"You're sick," I  said.

He didn't say anything. Pinikit niya lang ulit ang mga mata niya. I breathed heavily and stood up. I need to take care of him. Lumabas agad ako ng kwarto niya para maghanda ng warm water at towel.

Hindi pa rin siya kumakain kaya mas lalo siyang walang lakas. Nang maayos ko lahat ay bumalik din ako agad sa kwarto niya. Hindi na ako nang-istorbo pa ng iba rito sa bahay.

I immediately went to him. Piniga ko ang towel saka dahan-dahan siyang pinunasan. He felt it that's why he helped me too. Hindi niya na ako pinahirapan. Kusa niya nang tinataas ang mga braso niya. Pinigaan ko ng huli ang towel saka nilagay sa noo niya upang makatulong sa pagbaba ng temperatura niya at hindi masyadong mainit ang pakiramdam niya.

Papalitan ko sana siya ng damit pero pinigilan niya ako. Hinang-hina man ay nasabi niya sa akin na ayaw niyang magsando dahil nilalamig daw siya. Hindi ko alam kung bakit mainit kapag nilalagnat pero nilalamig tayo.

I sighed. Tumayo ako saka niligpit ang mga gamit. Natutulog na ulit siya pero ang sabi ko ay babalik ako at magluluto lang dahil kailangan niyang kumain saka uminom ng gamot.

Hindi ko alam kung paano magluto ng lugaw kaya naman naghanap pa ako ng tutorial sa internet kung paano. Habang abala ako sa pagbabasa roon, biglang pumasok si Zai sa kusina na nakatingin sa cellphone ko ngayon.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon