Grabe, Aiana, hindi naman ikaw ang ikakasal!

Nagpalitan rin sila ng vows, rings, at pagkatapos ay muling nagsalita ang pari. Tahimik ang lahat, at seryosong nakikinig sa kaniyang sinasabi.

"Maraming nagtatanong sa akin, father, what is the secret of a succesful marriage?" panimula niya na siyang nakaagaw ng atensyon ko.

I smiled remembering that I was one of the woman who asked him that question. I was full of curiosity back then. I was excited with my marriage life, and at the same time, I was curious to how will I keep it successful.

"Love. Mahalin niyo ang isa't isa nang walang katapusan. Marriage...It is not always roses and butterflies. Marriage is not a noun; it's a verb. It isn't something you get but it's something you do. It's the way you love your partner every day." Ngumiti siya habang ako ay tahimik lang na nakikinig. "A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person."

Bahagya akong napailing, tanda ng hindi pagsang-ayon. Mali ka, father. It isn't always love. Love isn't always enough to keep a marriage succesful.

Kahit paulit-ulit na piliin ko ang taong mahal ko, kung hindi niya naman ako pipiliin, anong magagawa ko? Paano kung ako lang ang lumalaban?

Sa huli, ako lang ang talo. Ako lang ang masasaktan habang umaasang pipiliin niya rin ako kahit anong mangyari.

Hindi palaging pagkapit ang sagot.

Ngunit hindi rin dapat palaging pagbitiw ang solusyon.

Nasaan ako?

Pagkatapos ng kasalan ay nagsitayuan ang mga tao upang magpicture taking at makihalubilo .Tumayo na rin ako at lumapit sa nagkukumpulang mga tao roon. Ayoko namang maging killjoy. This is a happy day.

"Mrs. Cameron! "

Napapikit ako sa itinawag ni father sa akin. Hanga rin ako sa kaniya dahil nakikilala niya pa ang mukha ko gayong isang beses lang kaming nagkita. Siya ang nagkasal sa amin ng asawa ko.

Napapikit ako sa hiya. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya . Hindi rin naman lingid sa kaniyang kaalaman ang nangyayari sa amin ng asawa ko.

Asawa ko. Napatawa ako sa naiisip.

Asawa mo pa rin ba, Aiana?

"Hello po, father." I awkwardly smiled at him.

Malawak ang kaniyang ngiti ngunit hindi ito maitatago sa kaniyang mata na naaawa siya sa akin.

Tumingin siya sa likod ko na para bang may hinahanap. "Hindi mo ba kasama si Caspian?" tukoy niya sa asawa ko.

Malapit sila sa isa't isa dahil pamangkin niya ang asawa ko. Isang beses lang kaming nagkita dahil umalis siya sa bansa ng ilang taon. I think, kakauwi niya lang noong nakaraang buwan.

Umiling ako. " Hindi po, father. Baka po busy.." palusot ko.

Well, totoo namang busy siya. Busy sa ibang babae.

Iwinaksi ko ang nasa isipan. Hindi dapat nito masira ang araw ko. Hanggang dito ba naman?

Malungkot siyang ngumiti sa akin at nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap. He patted my back and somehow, I found comfort. Parang gusto ko tuloy umiyak ngunit nakakahiya naman lalo na dahil hindi kami close.

" Malalagpasan niyo rin yan, hija " payo niya.

Tumango nalang ako bilang sagot, hindi nakumbinsi sa sinabi niya. Hindi na ako umaasang malalagpasan pa namin ito. Hindi na ako umaasang magiging maayos pa ang lahat dahil kahit katiting na pag-asa ay wala akong maramdaman. Alam kong kapag patuloy akong umaasa, patuloy rin akong masasaktan.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now