****

Dumating nga ang friday at nagcommute lang ako sa Makati kung saan dito ko napiling mag aral. Dahil si Garrett ay pumunta nga sa bahay nina Tita Rica para makicelebrate ,nalaman ko rin na parang party kaya baka gabihin makauwi si Garrett. Sinabi naman niya sa akin na wag akong mag aalala dahil di naman siya magpapakalasing ,if ever.

Pinag fill upan ako ng form ng isang babaeng nakausap ko kaya agad ko naman yun sinunod. pagkatapos kong sagutan ang nasa form ay isinauli ko sa kanya uli yun at tinignan niya yun.

"Oh ,so kukunin mong course ay BS Nursing ,tama ba?"paglilinaw niya kaya tumango ako.

"Opo."

"You're 26 years old?"tanong niya at agad naman akong tumango.

"Opo ,"

She slowly nodded ,"Okay ,base sa edad mo parang huminto ka ng ilang taon."isinuot niya ang salamin.

I bit my lower lip.

"Sige hija ,enroll ka na dito."may isinulat siya kaya kumunot ang noo ko ,"Ito ang section mo sa pasukan ,then bago magsimula ang klase kailangan may maibayad ka na sa dean office okay?"

Tumango ako at agad ko naman yun tinanggap saka ako tumalikod. I sighed heavily ,after the how many years......nakapag enroll na rin ako sa wakas!

Pagpunta ko pa lang kasi dito ang dami na nag eenroll kaya umabot pa ako ng siyam siyam ,mabuti na lang at tapos na rin kaya pwede na ako makauwi.

Pero bago ako sumakay ng jeep ay tumawag sa akin si Tin na sa condo muna ako dumiretso dahil may niluto siyang special Kare-kare kaya di ko naman matanggihan dahil pagkain din yun!

****

"Alam mo dapat di ka agad nagtitiwala kay Stephanie!"she exclaimed while eating the food.

"Bakit naman?"

I saw she rolled her eyes ,"Duh! ex niya pa rin si Garrett ,baka agawin pa niya sayo ang BF mo!"

I sighed hardly ,simula nung pinakilala ko sa kanya si Stephanie ay di siya nagtitiwala agad dahil unang tingin pa lang niya may hindi daw magandang gagawin.

Though ,di ko na lang siya pinansin nun dahil tingin ko naman kay Stephanie hindi siya ganung klaseng tao na iniisip ni Tin. Hindi ako mabilis mang judge ng tao ,kaya iniisip kong mabuti sa akin si Stephanie.

"Porket?"tanong ko sa kanya ,"Di ko naman nakikita sa kanya na may balak niyang agawin sa akin si Garrett ,Tin."

"Ay ,ewan ko! basta di pa rin ako convinced sa babaeng yan!"she continued exclaimed ,"Di pa rin ako nagtitiwala sa kanya!"

"Mabait naman siya eh ,kaya imposibleng yang mga sinasabi mo."I defend Stephanie. Wala akong nakikitang kaplastikan sa mga ginagawa niya ,kaya pinagtatanggol ko siya kay Tin.

Lalong napatitig sa akin si Tin habang umiinom siya ng tubig. Ayoko lang ijudge siya kahit ex girlfriend siya ni Garrett. Hindi ko ugali isipin ng masama ang kapwa tao ko.

"Alam mo....."she sighed heavily ,"Wag ka agad magpapaniwala sa mga nakikita mo ,hindi mo ba alam? lahat ng tao ay may nakatagong maskara sa kanilang mukha. Kaya wag ka agad nagpapaniwala sa mga sinasabi sayo ni Stephanie."she bit her lower lip.

I blinked my eyes.

"I don't judged her. In fact ,I'm just concerned about you....because it's Garrett's ex girlfriend. She may show you good manners ,but what if she's just pretending to be what she's showing?"dahil sa sinabi niya di ako makakibo. May point siya sa mga sinabi niya sa akin.

Pero alam kong hinding hindi gagawa si Stephanie na ikakagalit ko sa kaniya. Magtitiwala ako kay Garrett kung sakali ,hindi ako papayag na may makasira sa relasyon naming dalawa.

Together For A Day ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat