"Babe, this is me. Ito na ako. The whole package. Hindi pwedeng right side lang. Dapat kung tatanggapin mo ako yung buong buo. Itong Bryan mo, hindi lang basketball player. Anak din siya ng Vice President. Itong Bryan mo hindi lang gwapo, mayaman din. Package deal na yun. Ang importante itong Bryan mo, ikaw lang ang mahal na mahal." Natatawa niyang sabi habang dinadampian ng magaang halik ang labi ko. "At itong Bryan mo hindi ka iiwanan para maabot yung mga pangarap niya. Ang gusto ng Bryan mo, magkasama kayong dalawang tutuparin yung mga pangarap niya. Kasi itong Bryan mo hinding hindi ka bibitawan. Hinding hindi ka iiwanan sa ere." Tiningala ko siya. Nakita ko yun sa mga mata niya. Yung pagningning nito na parang fireworks.

"Alam ko naman yun eh. Nararamdamam ko yun, kung gaano mo ako kamahal. Hindi ko nga alam kung anong mabuti ba ang nagawa ko sa kapwa ko para bigyan ako ng Diyos ng isang Bryan Bernabe. Siguro naaawa siya sayo. Kasi puro panget ang nagiging girlfriend mo. Kaya binigay niya ako sayo. Di ba baby?" Lambing ko sa kanya. Pinadaanan ko ng halik ang leeg niya.

"Yeah. Damn, I'm so pathetic." Humalakhak siya ng malakas. "I'm really glad you came along babe." Humigpit ang yakap niya sa akin. Ano pa nga ba mahihiling ko. Yakap yakap ko na ang buong mundo ko. Nandito na sa tabi ko ang buong buhay ko. Wala na.

Sa SM Baguio kami dumiretso pagkagaling namin sa Forest house. Nanoon kami ng sine. Dun na rin kami kumain ng dinner. Sa pizza hut na lang kami kumain dahil favorite din ni Bryan ang pizza. Bigla itong tumayo habang naghihintay kami ng order.

"I'll just go to the restroom." Bulong niya habang dinadampian ng halik ang noo ko. Marahan na lamang akong tumango. "Here, pakihawakan mo muna yan." Inabot niya sa akin ang kanyang wallet.

Kumakalabog na ang dibdib ko ng mahigit isang oras na ay hindi pa bumabalik si Bryan. Kung anu ano na ang pumapasok sa isip ko. Nakailang text na ako pero wala pa rin. Tinatawagan ko siya pero walang sumasagot sa kanyang telepono. Ring lang ito ng ring. Mangiyak ngiyak na ako. Ano na ba ang nangyari doon. Nang di na ako makatiis ay binayaran ko na ang bill namin kahit wala pa akong nakakain. Mabilis kong tinakbo ang restroom sa lahat ng floor pero ni anino niya ay wala dito. Pumunta ako sa parking lot. Wala din doon ang dalawang montero sport. Nanghihinang napaupo ako sa semento.

Nagulat ako ng biglang magring ang hawak kong phone. Agad ko itong pinindot. "Hello Bryan, asan ka?"

"Mam si Tim po ito. Nandito po kami sa Notre Dame Hospital. Nabaril po si Boss." Para akong tinamaan ng kidlat. Naglandas ang sakit sa gitna ng dibdib ko.

"Okay lang ba siya?" Halos di ako humihinga.

"Daplis lang po ng bala sa tagiliran Mam. Ipapasundo ko na lang po kayo diyan." Sabi nito sa kabilang linya. Nakahinga ako ng maluwang.

"Hindi na. Magtataxi na lang ako." Mabilis kong sagot.

Nanlalambot ang tuhod ko habang naglalakad ako papunta sa emergency room ng hospital. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Sana ay umuwi na lamang kami sa Maynila. Di na sana kami nagpaiwan dito. Dahil lang sa kagustuhan niyang maging masaya ako ay muntik ng masawi ang kanyang buhay. Sinalubong ako ni Tim sa labas ng emergency room. May mga kausap itong police.

"Nasaan siya?" Di ko namalayan na umiiyak na ako.

"Nasa loob po Mam. Pasok na po kayo. Siya lang naman po ang pasyente dito." Di ko halos natapos ang sinasabi ni Tim. Tumakbo na ako sa loob. Nakaupo sa gilid ng kama si Bryan nakahubad ito ng pang-itaas habang binabalot ng benda ng isang nurse ang tagiliran niya. Marahan itong napangiti ng makita ako. Agad ko siyang sinugod at niyakap sa leeg.

"Sorry babe. Nag-alala ka ba? Nabasag kasi yung phone ko di mabasa yung screen. Kailangan pang ilagay yung simcard sa ibang phone." Humihikbi na ako. "Hey, okay lang ako."

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo. Ayoko ng magboating. Ayoko ng magmall. Huwag na lang tayong lumabas." Humahagulgol na ako.

"Shhh.. Walang kinalaman yun dito. Kahit nasaan ako mangyayari ito dahil nakaplano na. Maraming kaaway sa pulitika si daddy. Ito yung sinasabi ko sayo noon. Di ba hindi ka nagpaawat? Sabi mo tanggap mo lahat ng ito. Kasama ito sa package deal babe. Kapit ka lang ha. Kaya natin ito. Walang iwanan di ba?" Saad niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. Tumango ako ng marahan.

"Pangako. Walang iwanan." Humihikbing sagot ko.

"Sandali na lang ito babe. I'll just talk to the police outside, tapos babalik na tayo sa hotel. Tahan na." Masuyo niyang dinampian ng magaang halik ang mga labi ko. "Pagkatapos ng intercollegiate meet sa Singapore tayo pupunta. Di ba monthsary na natin next week? Yun ang belated gift ko sayo. Tayong dalawa lang. No bodyguards. Smile ka na." Marahan akong ngumiti.

"Okay lang naman kahit walang ganun. Basta okay ka. Basta safe ka." Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag nawala si Bryan. Baka mabaliw ako.

"Basta pupunta tayo sa Singapore okay?" Inabot niya sa akin ang hawak niyang tshirt. Tinulungan ko siyang isuot ito. Inalalayan ko siyang bumaba mula sa kama. "Damn! This is so painful. Can I have some painkillers now?" Baling nito sa nurse. Tumango ito ng marahan at nilagay sa kamay niya ang dalawang tabletas. Inabutan siya nito ng bottled water.

GRAVITY (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang