Chapter 21

264 26 0
                                    

"Stephanie Pov"

Lunchbreak na kaya inaayos ko na ang mga ginamit ko para makakain  na kami

"Tagal mo naman steph nagugutom na ako eh" Reklamo ni diana

Napailing nalang ako sa kanya, Pero lately  napapansin ko nakatitig lang sya kung saan napapagalitan na nga sya ng mga teacher

"Okay done" masayang sabi ko

" Ang saya mo yata steph" sabi ni jian

" Ganun talaga kailangan ko din maging masaya sa buhay" nakangiting sagot ko

Lalabas na sana kame ng room ng magsalita si diana

"Omg sila mico nandito" gulat na sabi ni diana habang nakatingin kung saan

Napatingin naman ako kung saan sya nakatingin at laking gulat ko ng makita ko sila mico na nakatingin saakin at ang mas malala naka ngiti pa sya

Infairness mas bagay sa kanya yung naka ngiti lumalabas yung kapog- i mean yung itsura nya

"Hoy teh kung ice cream lang si mico kanina pa yan tunaw" biglang sabi ni diana na nagpabalik saakin sa ulirat

Napailing nalang ako dahil sa sinabi nya

"Hi steph gusto mo ba sumabay saamin mag lunch?" Tanong ni mico

Sasagot na sana ako ng unahan na ako ni jian

"Hindi sya sasama sainyo samin sya sasabay" seryosong sabi ni jian kaya napatingin ako sa kanya

"Hoy ikaw ba kinakausap ni mico?" Inis na tanong ni vince

"Hindi pero iniingatan ko lang ang kaibigan ko" sagot naman ni jian

Iniingatan?? May masama bang mangyayari?

"Tss, pabida ka lang" sagot naman ni mico

Bago pa man sila magsuntukan inawat ko na sila

" tumigil na kayo pinagtitinginan na tayo oh, osige para walang away sabay sabay tayong mag lalunch" sabi ko

Aangal pa sana sila ng mauna na akong lumakad kaya wala silang nagawa kundi sumunod nalang sakin

Nerdy Into Beauty [Completed]Where stories live. Discover now