Bandang huli ay si Garrett pa rin ang nanalo sa finish line kaya napatayo kaming dalawa ni Tin sa kinauupuan namin at nagpalakpakan kami. Narinig na namin ang malakas na sigawan sa banda namin at may iba na nagtitilian pa

You did it ,Babe!

Lumabas na si Garrett sa kotse at may lumapit sa kanya na lalaki at inabot niya yung trophy at meron pa yun cash dahil ang mananalo dito ay makakatanggap ata ng 700 thousand ,I think?

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya dahil kita ko sa screen na may nagkakaroon siya ng pawis sa noo at parang basa pa ang buhok niya. Mainit ba talaga kapag nagsusuot ng helmet?

Damn ,kahit nakasuot ng facemask ang gwapo niya  pa rin.

"Titig na titig ka ah.",napatingin ako kay Tin at sinamaan ko siya ng tingin.

I sighed heavily.

"Wala ka pa ring kupas ,Garrett ikaw pa rin ang nanalo sa labang ito!"sabi ng lalaki sa kanya at tumaas ang kanyang kilay.

"Of course ,magaling ang coach ko kaya nanalo din ako!"narinig kong natawa siya.

Madami pang tinanong ang lalaki sa kanya. Nagpasalamat siya sa mga taga suporta niya dahil sobrang naappreciate niya mga sigawan at tilian.

"Congrats ,Babe!'mahina na bulong ko dahil nasa paligid lang namin si Tin. Kahit nakafacemask siya ay alam kong masaya siya.

"Thank you......."he held my hand ,"Di ko ineexpect na mananalo ako. Thank god! dahil nanalo ako ngayong araw!"

I smiled bitterly ,"Siyempre ,may goodluck kiss ka ata sa akin kaya masyado mong ginalingan doon."dahil doon ay napatigil pa siya at nag isip pa kaya natawa ako sa reaksyon niya.

"Uh......."napakamot pa siya ng ulo ,"Pwede na rin.....ginanahan din ako para manalo dun dahil you kissed my lips before my competition......"

Magsasalita na sana ako na biglang sumingit si Tin kaya napatingin kami sa kanya.

"Since ,tapos na ang competition mo Garrett ,may inihandang simple celebration si Rick. Kaya wag muna kayo maglandian ng bestfriend ko ngayon."hinila ni Tin ang kamay ko kaya napabitaw ako kay Garrett,"You should change your clothes ,para makapunta na tayo doon!"

Bahagyang tumango si Garrett at kinindatan pa niya ako bago siya tumalikod sa aming dalawa ni Tin.

Ibang klase din!

Natuloy nga ang simple celebration ni Garrett at sobrang masaya ako dahil kita ko sa mukha niya na masayang masaya siya. Hindi ko nakita sa kanya na sobrang saya as in....ngayon lang talaga!

Kasama sa celebration sina Tin ,Rick ,Jaycee at mga ibang kaibigan ni Garrett na ngayon ko lang din nakilala. Pinakilala naman niya ako sa kanila at napagtanto ko na college friend pala niya ito pero infairness, ang popogi.

Hindi nakapunta sa celebration si Tita Freya dahil may biglang nagkaroon ng emergency sa coffee shop ,kaya naiintindihan naman siya ni Garrett.

Buong celebration naging masaya kami ni Garrett. Buong gabi rin ay nasa terrace kami dahil nagsarili kami ,hinalikan niya ang noo ko at sinabi niyang ako ang inspirasyon niya kaya siya ang nanalo.

Masarap sa tenga kapag narinig mo yun sa taong mahal mo yun na ikaw ang inspirasyon niya sa bawat achievement na dumating sa kanya.

Wala na pa ako muling mahihiling pa kundi ,magtagal kami ni Garrett......kahit yun na lang ang matupad....sa buhay ko...

Sobrang mahal na mahal ko siya........

***

"Happy Anniversary ,Babe!"

Together For A Day ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat