CHAPTER 2

2.5K 117 0
                                    

2: sword!

•ARIYA POV•

~Lalalalalala~

Ang hina ng katawan na ito at kailangan ko kumain.

Lumapit ako sa isang parang stall ata? May mga ibat ibang prutas ngayon ko lang nakita.

"Ale ano po ito?" Tanong ko kay lola sabay turo dun sa isang prutas na kulay violet

"Sarqui binibini ngunit mas kilala bilang magical fruit dahil pag kumain ka nito pwede kang hindi kumain ng isang linggo dalawang pilak lang binibini" ngiting sambit ni lola

"Pabili po ng dalawa" sabi ko at binigay ang apat na pilak

Inilagay n'ya ito sa supot kasing laki n'ya lang ang melon ngunit pahaba

"Salamat binibini" ngiting sabi nito tumango lang ako

Kinain ko na yung isa dahil gutom na'ko.

Ng maubos ko ito ay parang nawala pati sakit ng katawan ko kaya siguro ito tinawag magical fruit.

Pumunta ako sa tindahan ng mga damit.

"Ahh ate patingin nga po ng mga damit para sa mga kalalakihan para po sa aking kambal" ngiting sambit ko

Alam kong hindi nila ito ipapakita kung sasabihin kong para sa akin dahil ang alam ko bawal ito.

"Saglit lang binibini" sabi nito at pumasok sa isang pinto

Ilang saglit ay lumabas na ito.

"Ito binibini pumili ka nalang" sambit n'ya

Tiningnan ko namn at pinili ko yung simple ngunit mukhang elegante kulay asul ito.

" Ate ito po magkano po ito?" Tanong ko rito

"Dalwang ginto binibini" sagot n'ya

"Eto po oh" sabay bigay ng dalwang ginto

"Ngunit ikaw Binibini hindi ka bibili ng para sa iyo?" Takang tanong n'ya

Ngumiti ako at tumango
Naglakad nako papalabas

Napakasinungaling ko na ngayon hahaha.

May nakita akong isang tindahan dahil na ku-curious ako pumasok ako at ang ganda sa loob.

Mamaya ko narin isusuot yung damit.

May nakita akong mga sing-sing at ang gaganda

"Ginoo anong klaseng sing sing po ito?" Tanong ko

"Storage ring yan iha pwede mong ilagay kahit ano" sagot n'ya

"Mag kano po ito?" Takang tanong ko

"Isang ginto nalang para sa iyo" ngiting sabi nito

Ewan ko bat ang bait ng mga nakakasalamuha maliban dun sa count seftio ata yun hindi ko maintindihan kanina eh

Pumili ako ng hindi masyadong agaw pansin at binigyan sya ng isang ginto ngunit may naalala ako.

"Paano po mailalagay sa loob?"nahihiya kong tanong

"Idikit mo lang yung ilalagay mo at isip mo yung bagay na ilalagay mo at  kung ilalabas mo ay isipin mo lamang na ilabas ito" pag eexplain nito

"Ay ganun po ba maraming salamat po" sabi ko rito

Lumabas na uli ako tinesting ko ilagay yung magical fruit at bigla nga itong nawala.

Pumasok ako sa tindahan ng mga sandata.

"Tao po may banyo po ba rito" tanong ko dun sa lolo

"Nasa kaliwa iha" sagot nito at patuloy parin sa pag lilinis ng isang espada

Dali dali akong pumasok at sinuot ang damit maayos pa nn ang pang paa ko dahil boots ito na medyo maganda pa.

Tumingin-tingin ako sa paligid at may nakita akong mga patalim,pana,espada,kutsilyo at may iba pa na hindi ko alam.

May nakita akong pana at ang ganda nito

"Iha gusto mo ba iyang pana?" Tanong ni lolo

"Kyahhh" gulat kong sigaw

Bigla kasing susulpot

"Halah pasensya na kung nagulat kita HA HA HA" Tawang nitong sabi

"Magkano po ba ito?" Tanong ko at kinuha ang pana

Ngunit nag tanong ito

"Bakit ganyang ang iyong kasuotan iha?" Takang tanong n'ya

"Mas sanay po ako dito" sagot ko

"Ala ey. Dalawang ginto yan iha" sagot nya sa tanong ko

May pito pa akong ginto kaya ayos lang umalis narin yung matanda naandoon lang daw sya sa may bayaran.

May nakita akong nag iilaw sa isang kahon.

Lumapit ako rito at unti unting binuksan.

May isang espada dito na sobrang ganda hinawakan ko ito at bigla akong nahilo.

' master sakin na po ba talaga 'to?'

' wow ang ganda talaga master'

' master tuturuan mo uli ako?',

'Master!!!'

'master parang awa mo na wag mo akong iwan'

'master wag mokong iwan ~hic~'

Napamulat ako ala ala ba ito ng katawan na ito?

Kinuha ko ang espada na katulad sa ala alang iyon at inilagay sa storage ring hindi ko na kailangang Ipag paalam dahil alam kong mahalaga ito sa katawang ito.

Kinuha ko na ang pana at pumunta sa matanda at binigay ko na ang dalwang ginto.

At dali daling lumabas.

Book1: ALTERIA•REINCARNATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon