Nang makarating kami sa clinic at hindi ko alam kung nasaan ang tatlo pero hindi ko na sila inalala pa dahil itong lalaki ay malubha ang kalagayan.

“Ano nangyari?” Tanong ng nurse.

“Pa gamot.” Malamig kong sabi at umupo napatingin naman ako sa likod na umaagos pala ang dugo sa sugat ko. “P-peram din akong gamot.” Saad ko at bigla ako nanghina dahil siguro bumalik na sa realidad ang sistema ko, at siguro nagulat ang sistema ko kanina kaya hindi ako nakaramdam ng kung anong sakit.

“Sandali.” Saad ng nurse at pumasok sa office niya kaya tinanggal ko na ang jacket ko at inilagay sa upuan kita parin ang basa na pula sa damit ko, at maya't maya andito na siya at may dalang gamot, ako na naggamot sa sarili ko at ginamot niya ang lalaki. “Hindi familiar itong lalaki.” Saad niya na ikinakunot-noo ko.

“Baka naman hindi talaga siya napunta sa clinic kaya hindi familiar sa 'yo.” Saad ko na ikinatango niya.

“Siguro. Pero hindi talaga siya familiar sa 'kin.” Saad niya ng biglang may pumasok kaya napatingin kami ro'n.

“Ara!” Sigaw nila.

“Ac!” Bosses ni Roger.

“Ate Cass!” Bosses ni Kevin.

“Bebe ko!” huh?

“Kuyaa!” ito ata 'yong kapatid ng ginagamot ng nurse, tumayo naman ako at lumapit sakanila bago sila pinagkakaltukan.

“Ingay niyo.” Seryoso kong sabi. “Wala tayo sa malawak na lugar para magsigawan ng pangalan.” Saad ko at ngumiti ng sarkastik bago umupo.

“Ara, bakit may dugo ka sa likod?” Napatingin naman kami kay Jp.

“Baka niregla.” lagi na lang 'to panira kaya binato ko ng betadine si Axel at ayon sapul.

“Na-nasaksak s-i-ya...” Napatingin naman kami sa nagsalita.

“Kuya, buhay ka!” Saad ng bunso.

Akala ba nito patay?

“B-bakit k-ka may p-asha?” Utal-utal nitong tanong.

“Binugbog din po kase ako pero hindi tinuluyan kase po naghanap po siya panghukay raw po sainyo.” Kwento ng Bata.

“Nasaksak si Ate Cass?!” napatingin ako kay Kevin na nagsalita.

“Oh? Bakit naman?” Tanong ko binatukan naman ni Roger si Kevin.

“Bubu mo! Andoon na nga tayo tapos ayan tatanong mo.” Saad ni Roger sakaniya napailing na lang ako.

Kahit kailan mga abnormal.

Napatingin naman kami sa pumasok.

Ah sila lang pala.

Lumapit si Ruru sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa kaya umarko ang kilay ko.

Anong tingin 'yan?

“Alam niyo Jace may saksak daw si Ara sa liko–Aray!” Binatukan naman ni Leo si Axel dahil sa daldal.

“Is that true?” Mahinahon na tanong ni Ruru sa akin.

“Hindi,” Pagsisinungaling ko lumapit naman si Nathan sa akin at tinanggal ang Jacket niya sa bewang ko.

Hindi ko parin tinatanggal wala lang design lang.

“She's bleeding.” Napatingin ako kay Nathan.

Paano niya nalaman?

“Didn't you see the color of my jacket?” Tanong niya at napasampal na lang ako sa noo ko.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon