PROLOGUE

4.5K 458 779
                                    

Trigger Warning: There is some scenes that might cause you to trigger your trauma or anxiety if you cannot bare the scenes please do not hesitate to back out

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Trigger Warning: There is some scenes that might cause you to trigger your trauma or anxiety if you cannot bare the scenes please do not hesitate to back out.

30 Years Ago.
City of San Marselino.

Madulas ang mga kalye at maputik ang daanan may kasama na pagkulog at pagkidlat humahampas naman ang hangin nagsasayawan ang mga puno. habang tumatagal lalong lumalakas ang pagbagsak nang ulan.

Hindi maganda ang panahon.

'Ayan ang nakikita nang pitong taong gulang na batang babae. nakahiga ang kanyang katawan sa isang malamig at malambot na lupa nakabukas ang mga mata nito kaya nakikita nya nang bahagya ang mga na sa paligid, malabo ang vision n'ya dahil sa mukha nito bumabagsak ang mga butil nang ulan.

"Aaahhh!! m-may a-anak a-ako parang awa mo na w-wag mo ako papatayin." Takot at lungkot ang bumabakas sa boses nang isang dalagang ina na nag mamakaawa sa lalaking may hawak ngayon nang kanyang buhay.

Walang sinayang na oras ang salarin
sa kanang kamay 'nito may hawak s'yang cutter malapad at matalim mabilis n'yang binalatan ang hita nang kanyang biktima.

Malakas na sigaw ang pinakawalan nang kanyang biktima madadama sa boses nito ang labis na sakit at paghihirap.

Sumirit ang madaming likido nang dugo sa lupa maging ang mukha nang salarin ay nagkaron nang bakas nang dugo at dahil malakas ang buhos nang ulan inaalon lamang nang tubig ang dugo nang biktima.

Nakita nang batang babae ang pag ngisi nang lalaking nakataligid sa harapan nya napaawang ang bibig nang bata at pumikit nang sobrang madiin.

"Madumi kang babae!" hawak nang salarin ang isang sling bag habang ang dulo ng lace nito ay nakapalupot sa leeg nang kanyang biktima.

"T-tama n-na. a-a-aahhh!"

Nahihirapang sigaw nang babae nakaluhod ang mga binti nya sa lupa patuloy parin ang pagdaloy nang kanyang dugo na nagmumula sakanyang hita.

Nakapalupot naman sa leeg nito ang lace nang bag habang tumatagal lalong humihigpit ang paghila nang salarin para maging dahilan nang paghirap nito sakanyang paghinga.

Lalaking matangkad, malaki ang katawan nakasuot nang itim na raincoat, itim na bota madilim ang kapaligiran kaya hindi masyado maaninag nang batang babae ang lalaking nasa harapan nya.

"w-wag." mahinang sigaw nang batang babae na walang magawa kung hindi mahiga sa malambot na lupa pinipilit n'yang iangat ang buo nitong katawan ngunit parang may humahatak sakanya pahiga sa putikan.

Malapit na malagutan nang hininga ang biktima ngunit sa huling pagkakataon nagtama ang mata nilang dalawa nang batang babae.

"Ta-" Doon nagwakas ang buhay nang biktima.

Pinipilit pa din nang batang babae maabot ang binti nang salarin ngunit dahil maliit pa ang mga braso n'ya hindi s'ya nagtagumpay.

Naaninag nang kanyang mata na may kinukuha ang salarin sa tabi nang mga gamit nito isang jumping rope ang kinuha nang lalaki at marahan n'yang pinulupot ang rope sa mga kamay at paa ng babaeng biktima.

Pumunta ang salarin sa harapan nang biktima n'ya at walang - awa nitong pinagsasaksak ang ilang bahagi nang tiyan nang babae. kahit wala nang buhay ang biktima patuloy padin ang pagangat at hugot nang kutsilyo na hawak nang salarin hindi s'ya tumigil hanggang sa naligo na sa sariling dugo ang bangkay.

Hindi pa nakuntento ang salarin kinuha nya ang isang scalpel, marahan nitong binuksan ang tuhod nang biktima at tinanggal ang mga buto nito sa tuhod sumirit ang dugo at walang tigil sa pag agos.

Matapos ang karumal - dumal na krimen na ginagawa nito. nagtagumpay naman ang batang babae na mahawak ang binti nang salarin na kanina nya pa inaabot.

Bigla naman kumidlat nang napakalakas dahilan upang lumiwanag ang paligid nang ilang segundo pero sapat na 'iyon para makita nang bata ang mukha nang lalaking na kanina nya pa gustong pigilan.

Humarap sakanya ang salarin

Subalit.

walang ano man na bakas nang takot sa mukha nang batang babae ngunit umagos lang ang luha nang bata at sinabi ang katagang.

"p-papa."

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon