To: Baby ❤

- Malamang. 'Yun 'yung tawagan ng mag-boyfriend or ayun 'yung ginagawa ng mga mag asawa.

Natawa naman ako sa reply ko. Detalyado talaga ang reply ko. Hahaha!

"Baliw kana. Tumatawa kana magisa." Sabi ni Kuya sakin.

"Che. Manahimik ka!" Bulyaw ko sakaniya.

Tumawa lang naman siya at humiga siya at pinatong ang paa niya sakin.

"Ang baho Kuya!"

"Oy kapal mo ah! Amuyin mo pa 'yan. Oh! Oh!"

Tumawa naman ako at iniwas ang mukha ko sa paa niya.

"Kuya! Tigil mo nga 'yan! Kadiri ka!"

"Oh sinong mabaho paa ngayon?"

"Wala!"

"Good." Aniya at tumawa.

Umirap naman ako at kinuha ang phone ko na tumutunog na dahil may tumatawag.

Baby ❤ Calling...

Tinulak ko naman ang paa ni Kuya na nakapatong sa lap ko at tumawa ako ng muntikan na siyang mahulog dahil sa lakas ng tulak ko sa paa niya.

"Michelle!" Sigaw sakin ni Kuya pero tumawa na lang ako.

Sinagot ko na ang tawag habang paakyat ako patungo sa kwarto ko.

"Hello?"

[Hi. Mukhang ang saya mo ah.]

"Hindi naman. Napagtripan ko kasi si Kuya kaya ganun."

[Aw, umiral nanaman ang kakulitan ng baby ko.]

Pumasok ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. Brrr, lamig!

"Hindi naman. Ang saya lang kasing asarin ni Kuya lalo na kapag seryoso."

[Yeah right. Obvious naman.]

"Hehehehe. Wait, ano 'yung tinext mo sakin? Why are you asking kung alam ko 'yung baby? Malamang alam ko 'yun."

[Oh yeah. And I really like your reply there.] Aniya at humalakhak.

"Che. Pervert!"

[What? Pervert agad? I just said that I like your reply. Tsk.]

"Whatever, Garcia."

[You know baby, your answer is wrong.]

"What? Tama kaya! Baliw ka ba? Baby, pwedeng endearment pwedeng 'yun ang ginagawa ng mag asawa!"

[Again, please? Especially your second answer.]

"Pwedeng ginagawa ng magas-- teka nga! Natuwa ka dun ah!"

[Hahahaha! Okay chill chill. The best answer of that is, it's a food!]

"What?! Baby? Tas food? Niloloko mo ba ko ha?"

[I'm not! It's a food. You don't know that? 'Yung BABYque?] Sabi niya at tumawa.

Natawa naman ako kaya inilayo ko muna ang phone ko sa tenga ko. Aasarin ko 'to. Nang okay na ay nilagay ko ng muli ang cellphone ko sa tenga ko.

"Ah. Asan 'yung joke dun?" Sabi ko at kinagat ang labi ko para mapigil ko ang tawa ko.

[Pinaghirapan kong isipin 'yun tapos hindi ka pala matatawa? I thought I can make you laugh even if I'm corny.]

Natouch naman ako kaya nawala ang tawa na gustong gusto kumawala sa bibig ko.

"Aw. Baby, don't worry. Napatawa mo ako. Kaya nga inilayo ko kanina 'yung phone ko kasi natawa ako sa banat mo."

Campus QueenWhere stories live. Discover now