Lumapit sa akin si Papa at ipinasan niya ako sa likod niya.

"Ayos ba?" tanong niya sa akin. "Ayan ang view natin araw araw. Ganda 'di ba?"

Tumango ako bilang sagot sa kanya dahil walang salita ang makapag explain non sa ganda ng nakikita ko sa aking harapan.

~*~

I fell in love with this house. Ayun ang naramdaman ko nung makita ko ang view ng Mt. Fuji sa garden namin. Eventually I found out na hindi lang pala sa bahay namin tanaw ang Mt. Fuji. Our way going to the supermarket, kitang kita ang Mt. Fuji. We stop at a convenience store, kita pa rin ang Mt. Fuji. Sa halos lahat ng lugar na puntahan namin sa Shizuoka City, tanaw ang Mt. Fuji.

May mga pagkakataon na nagtatago ito sa likod ng mga ulap. Bigla bigla na lang nawawala. Pero maya maya lang, lumilitaw ulit ito.

Isang araw, my dad came home with a gift for me. It's a glass wind chime with moon and stars painted on it. Isinabit namin ito sa may bintana sa garden. And when the wind blows, I heard the most beautiful sound ever.

I can't stop listening to it. Naka abang ako na humangin para marinig ko yung wind chime.

I was in awe. How come a simple wind create such beautiful sound? Ano pa ba ang mga bagay na pwedeng makagawa ng magagandang tunog? Ocean waves, the sound of my dad's footsteps, my mom's laughter. Ang daming bagay.

That's when I started falling in love with music.

Gusto ko rin makagawa ng sarili kong tunog. I started humming random song na imbento ko lang. I remember my mom calling my dad para pakinggan ako. I remember them telling me I have a talent for singing. Wala pa akong idea noon kung ano ang ibig nilang sabihin but my mom and dad kept asking me to sing. I don't mind though, because I enjoyed it.

That's my most favorite time of the day. Yung nandoon kami sa may garden, sa tapat namin kita ang Mt. Fuji kahit paminsan minsan ay nagtatago ito sa mga ulap. May gitara si papa, pinapatugtog niya iyon habang ako naman ang taga kanta at si mama ang taga cheer sa aming dalawa.

I don't mind if we stay here forever. I wish we stay here forever. I can make friends with the other kids. This is our home now and I feel so happy with this place.

But something tragic happened to our family.

Kung dati ay puro magagandang musika ang naririnig ko sa bahay na 'to, nagbago lahat sa isang iglap when I heard the most heart shattering sound.

It was my mom's wailing.

I remember a guy in a police uniform talking to her. And although I can't understand a thing he's saying, parang dinudurog ang puso ko sa iyak ng mama ko non.

Sabi raw, na car accident si papa. Death on arrival.

For an eight years old, it's very hard to process death. I can't understand why he can't come back. I can't understand why we have to leave.

Kahit ilang iyak ko, ilang tawag ko kay papa, ilang kanta ang gawin ko, hindi siya bumabalik, walang nangyayari. And my mom can't give me enough words of comfort because she's as lost as I am. Naalala ko lang yung sinabi niya sa akin dati na pag hindi ako sumama sa Japan, hindi na siya babalik. Sumama naman ako ah? Pero bakit sinasabi nila na hindi na babalik si Papa?

We went back to the Philippines. Umalis kami ng buo, bumalik kami ng kulang.

To divert our pain, naging sobrang focus ni mama sa akin. She signed me up to a vocal class. Pinag aral din niya ako ng iba't ibang instruments like guitar and piano.

Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off)Where stories live. Discover now