07

110 2 0
                                    

Messenger
[ Ford Serrano ]

Ford

Hoy kuya anong ginawa mo sa yeezy ko?

Filimon

Pinagbibintangan mo ba ako?
Hindi ko ginagalaw gamit mo ha

Ford

Nagtatanong lang kuya ang defensive mo

Kung wala kang ginawa bakit blue yung yeezy ko?

Filimon

Aba ewan ko! Ang burara mong bata

Yung yeezy ko nga kulay blue din!

Ford

Ang burara mong matanda

Filimon

HOY KUYA MO AKO!

Ford

Wala naman akong sinabing hindi, koyah

Eh bakit nga may blue yung yeezy ko? Kung may blue din yung sayo ano yun pinagtripan mo sapatos natin?!

Umamin ka na kuya anong ginawa mo??

Ipapapulis kita o isusumbong kita kay ate nika

Filimon

Oh bat nasama si nika sa usapan?

Ford

Kasi crush mo siya

Filimon

HINDI KO NA NGA SIYA CRUSH!

Ford

Edi wow kuya

Di ako pinanganak kahapon wallpaper mo sa phone picture niyo ni ate nika na naka barong at saya kayo

Buwan ng wika pang nalalaman
baka buwan ng sawi

Filimon

YEEZY ANG PINAG-UUSAPAN
DIBA BAT INIIBA MO NA

Ford

Oh going back

ANO NGA GINAWA MO KUYA LALABAS KAMI KASAMA TROPA KO KUYA YUN LANG SAPATOS KO KULAY BLUE PA

Filimon

Teka lalabas? Nagpaalam ka na ba?

Ford

Oo kila mama

Filimon

Eh sa akin?

Ford

Papayag ka naman diba arte naman

Filimon

hindi ka lalabas!

saka okay lang yan blue for sadness era

Ford

Bleh pumayag na sila mama!

TSK KUYA nandun crush ko!

Filimon

Di ka naman din crush okay lang yan

Ford

KUYA! WALA NAMANG BLUE
UNG SAPATOS MO!

GINAMIT MO SAPATOS KO?!
SIZE 40 AKO KUYA!

Filimon

ay shit kaya pala ang sikip sa paa
kahapon sapatos mo pala nasuot ko

✌️✌️✌️

Ford

IKAW MAGLILINIS NG BUONG
BAHAY SA BUONG ISANG LINGGO KUYA!

NAKAKAINIS SUMBONG KITA
KAY MAMA AT PAPA!

Filimon

HOY FORD SERAULO KA BA
SUBUKAN MONG ISUMBONG AKO

Ford

SUSUBUKAN KO TALAGA
HINDI GAGAWIN KI TALAGA

WAG MO KONG KAUSAPIN DI TAYO BATI!

When We Were 18Where stories live. Discover now