Prologue

0 0 0
                                    

Prologue: Orca, the gift bearers

According to scientist, the human mind can sense if there is something wrong on it's environment and would emit hormones that could help the body to fight.

My hand was full of blood, my white jacket is now tinted with red, and the smell of fresh blood is making me irritated. Hawak ko pa itong leeg ng walang hiyang magnanakaw na ito. Akala mo naman malakas— sinamahan pa ng mga mahihinang kasama niya. As I hear the gasp of air from the man I am holding, binitawan ko na agad. Di naman ako mamatay tao, nag-eenjoy lang lumaban.

Niligpit ko na ang sarili ko at sinimulan maglakad papunta sa apartment ko kila Ate Cessie. Baka pagalitan nanaman ako nun, matandang dalaga pa naman.

It was a peaceful night: maliwanag ang langit, walang tambay sa gilid, may dumadaan na mga sasakyan ng pulis at mga taong patagong nagpapalitan ng droga. Wala ng pinagbago.

Nanatiling pugad ng krimen ang esknita Itim Dos, napakagandang lugar kung ako ang iyong tatanungin.

The mind would try everything to protects it's body, doing everything to shield it from any trauma and pain.

It was December 1569, the Alliance of Gift Bearers are gathered on the hall. May isang meeting na nagaganap, may isang kaaway nanaman siguro— di narin ito bago. Kaya't tumayo ako sa aking upuan at lumapit upang marinig ang kanilang mga pinaguusapan.

“Hindi naman makakatulong kung papatay nanaman tayo ng mga tao upang makamit ang kapayapaan.”Reklamo ni Alayla habang hawak ang mapa ng Perlia. Pinaplano nanaman niya siguro ang mga maaring mangyayari kung matutuloy ang gera sa pagitan ng mga tao.

“Ngunit kung hindi natin ito gagawin, maaring mapuno ng ganid, gutom sa kapangyarihan at away ang mundong ito.” alalang-alalang sambit ni Haliyah habang nakatingin sa maliwanag na kalangitan.

Any negative emotion felt could result the bearer to be unstable.

“HUWAG!”

Kasabay noon ang lumiliwanag na babae sa gitna ng bundok, si Haliyah, na siyang pilit na ginagamit ang kaniyang talento upang pagisahin ang mga bitwin sa langit. Ito ay lagpas sa kaniyang kakayahan na maaring magresulta sa malalang pagsabog.

Sa takot at gulat ni Alayla ay tumalon ito mula sa lupa at nagsimulang pumaligid ang mga butil ng buhangin sa kaniyang mga paa at kamay.

Ganoon rin ang ginawa ng ibang Orca, gamit ang kanilang mga kakayahan ay isinamo nila ang kanilang mga talento upang pigilan si Haliyah sa kaniyang balak gawin— ang sirain ang sansinukob.

Lahat ng desisyon sa buhay ay may kaakibat na resulta; sapagkat ang bawa't pangyayari sa buhay ng tao ay resulta ng kaniyang mga desisyon.

“Ang talento ng isang tao ay nabubuhay na ngunit hindi niya pa naipapamalas; ito ang makakatulong sa kaniya upang mabuhay.”sambit ng kanilang trainer habang gumagawa ng bolang yelo sa kaniyang mga palad. Ito ay nakakamangha.

Ito ay lingid sa siyensa! Ito ay di makakatotohanan! Ngunit ito ay nakikita ng kanilang mga mata.

“Ngu— ngunit papano?!” sigaw ng isang estudyante na may bakas ng pagkalito sa kaniyang mukha.

“Ang ano? Ito ba?” sambit ng propesor at biglang gumawa ng espadang yelo at tinutok ito sa estudyante.

Isang katanungan ang laging pumapasok sa isip ng tao kung ito ay malungkot: “Kakayanin ko pa ba?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PADAYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon