"May budget kapa ba this week?" Tanong ni Lei. "Pahihiramin kita gusto mo?"


"Wag na, ang dami ko ng utang sayo." Totoo yun, hindi kona mabilang ang utang ko sa kanya. "Siguro naman makakahanap ako ng trabaho at wag kang mag alala dahil may budget pa ako at may makakain pa ako."


"Emery, wag mong tipirin ang sarili mo ah? Ayokong pumayat ka." Naglalambing na yumakap ito sakin. "Mawawalan na akong ng teddy bear kapag pumayat ka."

"Opo, hindi ako papayat."


Natawa lang kami parehas at nagpatuloy sa pagkain.

**

  "Lei, sa tingin mo may taong magmamahal sakin?" Tanong ko


Magkatabi kami ngayong nakahiga sa lapag na nilatagan ko lang ng makapal na comforter. Hindi kasi kami kasya sa kama ko dahil sa malaki kong katawan.


"Ano bang tanong yan? Abay syempre meron, ang ganda ganda mo kaya." Dumapa si Lei at humarap sakin. "Ang tanga naman ng mga taong hindi magkakagusto sayo."


"Kahit mataba ako? Kahit puro peklat ako? Kahit hindi ako maputi? Kahit parang alambre yung buhok ko? Kah–"


"–Tumigil ka nga, binababa mona naman ang self confidence mo eh!" Sermon nito. "Emery bukod sa lagi kang maniwala sakin, sana maniwala ka rin sa sarili mo dahil unang una, dapat ang sarili mo ang una mong kakampi. Wag mong hayaang ibaba ng iba ang confident mo. Be proud to yourself Emery."


"So, what kung mataba ka? Maganda ka naman at hindi nagsasayang ng pagkain, Ano naman kung puro peklat ka? Tanda yan na na-enjoy mo ang childhood mo, Ano naman kung mukang alambre ang buhok mo? Mahal ang shampoo at conditioner, Ano naman kung hindi ka maputi? Ang tunay na Pilipina ay hindi maputi, kapag maputi ka hindi ka Pilipina isa kang espasol."


"Ang daldal mo talaga." Natatawang niyakap ko siya. "Matulog na lang tayo dahil bukas ay sasamahan mo ulit akong mag apply."


"Yan ganyan."

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.

***

  "Pang-ilang apply mona?" Tanong ni Lei habang nakaupo.


"Thirty." Napayuko ako. "Pagod kana ba? Sorry."


"Ano kaba okay lang."

Bawat ma-a-applyan ko ay pinalalayas ako at sinasabing hindi nila kailangan ng bago kahit may nakalagay na hiring. Yung iba ay minamaliit at nilalait ako, kaya itong si Lorelei ay nagwawala at inaaway yung mga tao.


"Doon try mo." May itinuro itong building. "Try mo diyan dali! Hindi ka sinu-swerte sa mga restaurant at iba pa, try mo naman diyan."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Where stories live. Discover now