Hindi maiwasang matawa ni Norman sa mga sinabi niya. "Well there are still jeepneys here. Hindi nga lang sila pwede pumasok dito sa area. What happened to your flight though? Any problem except for the delay?"

"Nothing much but I just saw this person looking at me like I have three eyes in my face and grow another head. And speaking of that delay, I'm so annoyed. Hindi ako nakapag-update kay Vanjie. Last thing I sent her was that I arrived yesterday." he grunted in slight annoyance

Norman frowned at him when he said the first sentence while looking at the road. "Huwag mo nang problemahin si Vanjie. I just told her the situation the moment I knew the delay. Anyways, do you have something you want? Coffee? Bagel? Before we go to your place?" Tanong sa kanya ni Norman.

Napaisip siya at parang automatic na biglang tumunog ang kanyang tiyan at naalala niyang hindi pa pala siya kumakain. "Hmmmm, I want tapsilog though. Pero daan na rin tayong Starbucks muna?"

"Sure" Norman replied shortly and they went to get a coffee before going to his new place.

They arrived in his new place. It was a mid-rise condominium building and was situated not too far from the exclusive city. Si Norman ang nag-asikaso sa paghahanap nito para sa kanya. Sinabi niya dito na ayaw niya sa masyadong matataas na building. He wanted to feel that his new place was like home.

So he ended up here. A two-bedroom loft type condominium unit with a very spacious veranda. Pagkabukas pa lang kanina ng pinto ng unit niya ay hindi maiwasang mapaawang ang bunganga dahil sa sobrang pagkagulat and pagkamangha. Norman really did a good job finding this place!

"Oh my God Norman! I love this place!" he beamed at Norman. Biglaang niyakap niya ito dahilan nang muntik nilang pagtumba sa lapag dahil nawalan ng balanse si Norman habang ibinababa ang mga kagamitan niya.

"You look like a kid, baby. And it's nothing much. Sabi ko kasi sayo doon ka na lang sa unit ko muna tumuloy" sabi sa kanya nito habang bumalik sa pag-aayos ng gamit niya

"No, this is too much! And I love this place. This instant." Hindi pa rin siya makapaniwala sa laki nito habang inililibot niya ang mga mata sa kabuuan ng condo. Pagkapasok niya ay nakita niya agad ang modern kitchen with countertop, a mini bar with stack of alcohol. The kitchen was adjacent to the living room with a floor to ceiling window which made the place so bright because of the natural light coming through.

"Akyat muna ako tingan ko lang sa taas" sabi niya kay Norman at tinanguan lang siya nito

Pagka-akyat niya, lalo siyang namangha. The master's bedroom was incredible. There was a king size mattress lying on top of a modern frame board, modern lighting fixtures, a huge bathroom, a walk-in closet and a huge veranda that was overlooking the city. It was fucking huge. The second bedroom has no bed. Sabi niya kasi kay Norman ay pinaplano niya itong gawing studio niya or dark room.

Bumaba muli siya at nakita niyang may pagkaing nakahanda sa lamesa. Tapsilog! At sa amoy nito, hula niyang galing itong sa paborito niyang kainan noon.

"Kanto Freestyle?!" he asked Norman.

"Yeah. I think you mentioned to me that you only eat Kanto's tapsilog and nothing more."

He nodded. Of course. One of the best ito. Naalala niya pa na ito ang ginagawa nilang tambayan ng magkakaibigan pagkatapos ng uminom sa Poblacion noon.

"Oh my God! I forgot to tell the guys that I'm here."

He immediately opened his phone and too many messages flooded through. Binuksan niya muna ang Telegram at nagpahatid ng mensahe sa mga kaibigan. Chineck niya rin ang ibang mga mensahe at chineck kung may mahalaga na kinakailangan agad ng reply.

Kumulubot ang kanyang noo nang makita ang isang mensaheng naglalaman nang:

How's your flight? I hope it was good. I can't wait to meet you again.

Sino naman kaya ito? Pagtatanong niya sa sarili.

"What is it?" Tanong sa kanya ni Norman at agad niyang ipinakita ang mensahe. "Stalker agad pagkalapag pa lang sa Pilipinas. Ang tinik pa rin." Norman chuckled at him. Inirapan niya lang ito at bumalik sa pagkain.

"Hindi pa rin nagbabago ang tapsilog na 'to. And this reminds me of our Poblacion days." He mentioned with lingering feelings in his eyes

"True. Remember THAT time?" Pagtutukso sa kanya ni Norman habang taas baba ang kanyang kilay.

Namula siya nang kaunti at naalala na naman ang nangyari. Nakilala niya si Norman noon sa Graphique Conference para sa mga Multimedia Arts students. From then on, they hang out. Kilala rin ito ng mga kaibigan niya at nakakasama sa inuman noon dati.

At naalala niya noong gabing iyon, nakita niya si Norman doon ngunit hindi sila nakapag-usap dahil sa sobrang dami ng tao. Nang mangyari ang nangyari noon, si Norman ang nag-uwi sa kanya sa condo unit nito. Napag-alaman niyang kaibigan ni Norman ang lalaking walang hiya niyang hinalikan.

"Bwisit ka! 'Wag mong ipaalala" and he let out an annoyed sigh. Tinawanan lang ito ni Norman.

"Paano ba 'yan magkikita na kayo ulit?"

Sa pagsabi nito ni Norman, bigla siyang napahinto sa pagkain at naalala niya ang trabahong papasukin niya. Fuck!

"Fuck. Parang ayaw ko na. Pwede bang i-retract ko na lang? Hindi pa naman ako nakakapirma ng kontrata eh. Saka bebenta ko na lang 'tong condo na 'to. Balik na lang ako sa US" pagrereklamo niya sa lalaking kaharap niya na saganang sagana kumain. Wala pa ring pagbabago ito. Mayaman nga pero parang hindi pinapakain lagi.

"Nope. And you know why?" Tanong nito na ikina-iling ng ulo niya. "First, I bought this condo. I wired the money back that you sent to me. It's a gift. Don't mention it." Pagkasabi ni Norman nito, biglang lumuwa ang kanyang mga mata at muntik niyang maibuga ang kanyang iniinom na Iced White Chocolate drink na inorder nila sa Starbucks kanina.

"What the fuck?! Why did you do that?!" sigaw niya sa lalaki na ikinatakip ng tainga nito

"Ugh, don't shout. It's only 7 in the morning. And I said don't mention it. Kung gusto mong makabawi sakin, always feed me kapag manghihingi ako ng pagkain. Okay na ba yon?" He just nodded in defeat

"Also, second, hindi naman niya alam na ikaw ang Clark na iyon. Hindi lang ikaw ang Clark sa mundo baby boy. And third, you cannot leave me! I need your talent and your brain in the office. You're the most qualified person for that position"

Ikinamula ng mukha niya ang huling sinabi ni Norman. Ayaw niyang nakakatanggap ng compliment na ganito. Hindi siya sanay.

Nagpatuloy na lang silang kumaing dalawa habang nag-uusap ang inaalala nag mga kalokohan nila noon.

Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Norman, "I'm full and sleepy baby boy. Inumaga na kami sa inuman kanina"

Pagkasabi nito ay bigla rin niyang naramdaman ang antok. "Bakit mo pa ko sinundo kanina?" He tsked. "Ang kulit pa rin kahit kalan.You should get some rest. Ako na dito. I'll clean this up and magpapahinga na rin ako"

"You sure?" Pag-aalalang tanong ni Norman sa kanya.

Tinanguan lang niya ito at pumayag. Bago pa umalis sa unit niya si Norman, sinabihan muna siya nitong magpahinga at kumuha ng lakas. Sinabihan na rin daw niya ang opisina na sa Lunes na siya papasok at huwag ipilit. Pagkatapos nito ay hinalikan siya nito sa noo at tuluyang lumabas ng kanyang unit.

Pagkatapos niyang maglinis ng kanilang pinagkainan, ay umakyat na ito ng kwarto at ibinagsak ang katawan sa kama at napatitig na lang sa kisame.

This is it. New life. He thought.

Bago pa siya makatulog, naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphonen niya. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang nag-text. Same unknown number saying:

I've missed you Clark.

Napatitig siya sa mensahe ng ilang minuto bago sumuko dahil hindi niya alam kung sino ang may-ari ng number na ito. Ang laman lang ng isip niya ngayon ay pahinga kaya naman 'yon ang ginawa niya.

Clark QuintanaWhere stories live. Discover now