CHAPTER 4 - Siblings

Start from the beginning
                                    

"P-Pero—"

"Say it." Anito na pabulong. "Say my name without a Sir."

Napalunok siya habang nakatitig dito. "L-Lucien..."

Lucien face broke into smile. "Better. Now, tell me, bakit ka malungkot?"

"Hindi ako malungkot—"

"And now you're lying."

"Hindi naman—"

"Liar."

"No—"

Halos lumuwa ang mga mata niya at umawang ang labi niya ng bigla nitong sinakop ng halik ang mga labi niya. Para siyang napaso at tinulak ang binata palayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo?!" She shouted at Lucien. Wala siyang pakialam kung boss niya nito.

Lucien touched his sexy lips. "I kissed you. Gusto mo ulitin ko para malaman mo kung ano ang ginawa ko?"

Namumula ang pisngi na umawang ang labi niya sa sobrang gulat sa narinig na sinabi nito.

"Bakit mo ako hinalikan?!" Nanggagalaiti na tanong niya sa binata. She wanted to slap him but she was holding herself. "Hindi ka ba nandidiri na halikan ako?"

"Bakit naman?" Madilim ang mukha nito. "Sa tingin mo mandidiri ako kasi mukha kang manang? You should really stop wearing that freaking eyeglasses. Kahit pa sampong eye glasses ang isuot mo, hindi niyan maitatago ang tunay na itsura mo."

Bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig. Hindi pa ba sapat ang pang manang niyang pananamit para itago ang tunay na siya? Ito ang unang tao na nagsabi sa kanya na hindi sapat ang pananamit niya para itago ang mukha niya.

Sinapo ni Lucien ang baba niya at hinawakan ang gilid ng eyeglasses niya. Inatake ng kaba ang puso niya ng marandamang unti-unti nitong tinatanggal ang glasses niya. No!

"Huwag." Pigil niya sa lalaki.

Nakita siguro ni Lucien ang pangamba at takot sa mga mata niya kaya binitiwan nito ang eye glasses niya. "As you wish." Anito at tumayo ng tuwid.

Nakahinga siya ng maluwang dahil hindi natuloy ang pagtanggal nito sa eyeglasses niya.

Pareho silang napatingin ng binata sa elevator ng tumunog iyon at bumukas. Three men and a woman step out from the elevator. Kilala niya ang isang lalaki. It’s Lucan, Lucien's brother. Pero 'yong iba, wala siyang ideya kung sino ang mga ito.

"Kuya!" Sigaw ng babae at yumakap kay Lucien.

Virgo sat there, awkwardly. Nakakailang tumingin sa mga kalalakihan dahil napaka-intimidating ng mga mga itsura nito. At tulad ni Lucien, sinalo rin ng mga ito lahat ng magpasabog ng kaguwapuhan ang panginoon.

Napaigtad siya ng maramdamang may humawak sa balikat niya. She looked up and saw the woman who hugged Lucien.

"Hi." Nakangiting sabi nito sa kanya. "I'm Lashka." Inilahad nito ang kamay, "kinagagalak kitang nakilala."

Mabilis niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Hi. I’m Virgo Guano."

Lashka giggled. "Alam ko."

Her eyebrow rose up. "Alam mo?"

"Yeah." Lashka giggled and look knowingly at Lucien. "Kung ikaw ba naman ang palaging bukang-bibig ni kuya Lucien, talagang maaalala kita."

Nagtataka na tiningnan niya si Lucien at nagtatanong na tumingin sa mga mata nito.

Lucien looked away. "Huwag kang magpapaniwala sa babaeng 'yan."

Favorite Obsession Where stories live. Discover now