"I don't know, Blakey. Why? Why do you want me to do that?"

"Because I'm gett--"

"You're getting married? Huh?" Hindi ko na napigilan ang sumagot. I'm sick of this! Ang hirap eh. Ang hirap magpanggap. Lagi niyang nire-reason 'yung magpapakasal niya but the truth is, it's because of his sickness! "That is bullshit, Blake!"

Magkaharap na kami. Nakatingin lang siya sa'ken pero may luha na sa mga mata niya. Eto na naman 'yung sakit dito oh, sa puso ko. Ramdam na ramdam ko. I'm trying to be strong for him. Pero hindi ko na kayang makinig sa kaniya dahil alam kong nagsisinungaling lang siya.

"Jewel.."

Tiningnan ko siya sa mga mata niya habang umiiyak ako. "Blake, tama na! Tama na 'yang kasal kasal na 'yan! Lagi nalang 'yan ang bukambibig mo!"

"W-wait, I'm sorry kung lagi kong nababanggit ang kasal. Jewel, sorry. Okay, hindi ko na babanggitin 'yan okay? Calm down. Don't cry please."

Umiling ako. "Hindi kase 'yun, Blake eh. It's not about that marriage! Hindi dahil lagi mong mine-mention na ikakasal ka na! Kasi..kasi.." Lalo akong napaiyak. Sorry, pero 'di ko na kayang itago pa 'to. Feeling ko sasabog na ako eh.

"W-what do you mean?"

"Kasi ang hirap na. Ang sakit na! Dito oh!" Tinuro ko ang bandang puso ko. "Masakit! Masakit marinig mula sa'yo na gusto mong lumayo ako sa'yo at kasuklaman kita ulit dahil ikakasal ka na pero ang totoo, dahil..dahil.." Napatungo ako at napahagulhol. 

"J-Jewel.."

Muli akong tumingin sa kanya. "D-Dahil may sakit ka. May sakit ka, Blake! May sakit ka na pwede kang mamatay! You keep on saying that you're getting married that's why ganito, ganyan. No, no Blake! You have cancer. You don't know if you're going to die. K-Kaya gusto mo akong lumayo." Hiningal ako sa sinabi ko. Masakit talaga.

Alam kong 'di ko dapat sinabi sa kaniya na alam ko pero hindi ko na kayang itago eh. Hindi ko na kayang magpanggap na sa tuwing mag-uusap kami, i-bo-brought out niya ang kasal kasalan na 'yan. Na ang laging reason niya sa mga sinasabi niya ay 'yung kasal na 'yan but the truth is, it's because of his condition. Ayaw niya akong masaktan. Period.

Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa'ken. Tumulo na rin ang luha niyang kanina pa nagbabadyang tumulo. "H-How did you know? Paanong.."

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman, Blake. Stop fooling me around. Stop talking about your marriage! I don't care! Sige magpakasal ka. Tanggap ko na naman eh! We're not for each other but hell, Blake! I still care for you. For you, alone. And not with your damn marriage."

"I'm sorry. But, Jewel. No, hindi mo dapat nalaman. Hin--"

"No, Blake. May karapatan akong malaman! Kase kapag alam ko, mas naiintindihan ko ang sitwasyon. Hindi ako nagmumukhang tanga kakaiyak, kakakulong sa kwarto dahil sinaktan mo ako! Gayong 'di mo talaga ginustong saktan ako. Ang sabihin mo sa'ken na hindi mo naman ako mahal, it hurts like hell! But then, I understood na sinabi mo lang 'yun dahil sa sakit mo. Gusto mong magalit ako sa'yo at lumayo. Para ano? Ha? Para hindi ako masaktan habang nakikita ang kalagayan mo. Tama 'diba? Diba? Tell me!" Lalo pa akong napahagulhol. Napahawak ako sa magkabilang braso niya.

"T-Tama na please. Stop crying, Jewel. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang itago sa'yo ang kalagayan ko. Hindi ko ginustong mangyari 'to.."

"But you did, Blake. It was all done. You can't undo that mistake. You hurt me. You made me cry. You made me believe that you don't love me. You made me believe that all the things you did are for your marriage--for Hazel. But not. No! It was all because of me! Kase ayaw mong mas masaktan ako. Kase hindi mo alam kung anong mangyayari sa future. Hindi mo alam kung gagaling ka. Pero hindi ba, pwede ka namang lumaban? If you really want to be happy, just fight."

Crazy Little DevilWhere stories live. Discover now