Chapter 01: Phone

Începe de la început
                                    

When we stopped and waited for the go signal, I opened my spotify's playlist and decided to play a song. Hininaan ko lang 'yung volume hanggang mga twenty-five percent para hindi magising si Ate Micah, bago ibinaba ko ang cellphone ko sa may overboard ng kotse.

The ride was not that noisy but not that quiet too. It's quite peaceful. Nakatulog na 'rin kase ang bunso habang nakadantay ay ulo sa binti ng Ate.

On my peripheral view, I saw her — Anele, looking outside the window, gazing at the night life of Davao City.

The mixture of neon, warm, and white lights illuminated the streets.

Watching the busy street of Davao City's downtown, listening to the low music inside my car, plus the muffled sounds of the noise outside, and the contented smile plastered on my lips... It gave me a sentimental mood, nakalimutan ko 'yung pagod na dala-dala ko. I can't help but to unconsciously plaster a grateful smile.

Davao City really felt like home to me.

I grew up in this place. At sa itinagal-tagal ko 'rito, wala pa naman kaming nararanasang krimen o 'yung pakiramdam na hindi kayo ligtas. My family lives here for ages. My Mom and Dad's great great grandparents and family, grew up in here. May mga kamaganak naman kami sa iba't-ibang lugar sa loob at labas ng Pilipinas, pero wala eh, attached na kami rito.

Funny to think that sometimes I wonder, what's the life outside this city? Gano'n pa 'rin ba ang pakiramdam o hindi?

Narating namin ang gate ng subdivision namin at nakitang nandoon ang Mommy, ibinibigay ang mumunting regalo at pang noche buena ni Manong Guard.

I saw how the person smiled with teary eyes. Natawa naman ang Mommy bago ito pinatahan. Inihinto ko ang kotse malapit sa pwesto nila bago ibinaba ang bintana.

“Mi!” Tawag ko. Lumingon ang Mommy sa direksyon ko bago ngumiti at sinenyasan akong maghintay. Nagpaalam muna siya kay Manong bago nagsimulang humakbang papalapit habang may dala-dalang kulay puting payong.

“Merry Christmas ho, Kuya.” Aniko.

“Uy, dong! Merry Christmas 'sad.” (Translation: “Uy, iho! Merry Christmas 'din.”)

Nagtanguan kami bago ko muling isinara ang nakabukas na bintana at pinaandar ang makina ng kotse.

“Mommy?” Inaantok na tanong ni Mina nang maramdamang pumasok ang Mommy sa loob ng sasakyan.

“Hmm?” Mahinang tugon ng Mommy nang kumandong si Mina sakanya bago ito pinisil sa pisngi't yinakap. She looked at Ate's direction before giving the sleeping beauty a kiss on her cheeks.

Nakangiting lumingon ang Mommy sa harapan at bahagyang nanlaki ang mga mata nang makitang may kasama kaming babae. Her hazel eyes shined with hope under the car's yellowish light, before giving me a meaningful smile.

“Ikaw ha,” she playfully mouthed. Nakangiwi akong umiling para i-senyas na mali ang naiisip niya.

“Sus.” Natatawang sagot nito sa'kin.

I parked the car outside our gate before going out. Binuksan ko ang pintuan ng backseat at tinulungan ang Reyna at mga prinsesa'ng bumaba.

Antok na kinukusot ni Mina ang kanyang mga mata habang ang Ate naman ay antok 'din na naglakad habang dala-dala ang mga gamit niya. Kinuha ko ang mga paper bags at cellophanes ng mga pagkain at sinilip ang natutulog na si Anele bago pumasok sa looban ng bahay. Nagmano ako sa mga Tito't tita, mga lolo at lola at sa iba 'pang mga kamag-anak namin.

“Oh, saan ka pupunta?” Takang tanong ni Isha, isa sa mga pinsan ko. Kumakain sila ng dala naming Jollibee foods na inilapag ko sa sala.

“Secret, hulaan mo,” pang-aasar na sagot ko bago 'to binelatan.

Kathang-isipUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum