PROLOGUE

4 0 0
                                    

Tadhana? Pulang pana ni Kupido? O baka sadyang nagi-ilusyon lang ako. 

Siguro kung meron mang halaga yung salitang yon, baka its not really for everyone. 

Pero para sa isang taong sumuko na sa pag ibig, may pag-asa pa kayang mag-exist ito muli para sumibol ang isang serious relationship?

Sabi ng iba, tanga daw ako bilang isang hopeless romantic. Bakit daw ako nag-paloko sa asawa kong pinag-lihi sa red flags. Masyado daw akong mabait para mag bigay ng second chance. Ever forgiving. Ever faithful. Kaya ayan, ang road to forever ko, nauwi sa pagiging sawi.

Ang hirap mangako sa sarili ko na hindi ko na siya iisipin. Hindi ko na alam kung saan magsi-simula. Pilit ko namang kinakalimutan ang lahat at para makapag-simula ulit, at masanay na hindi siya makita tuwing gigising sa umaga. 

Pero sa tuwing may nakikilala akong tao na gustong pumasok sa buhay ko, naiisip ko yung lahat ng sakit mag mula nung iniwan niya ako para sa isang babae. Sobrang hirap mag tiwala ulit. Yung nakaka-manhid ang sakit na mararamdaman mo pagtapos mo ibigay sa kanya lahat, itatapon ka nalang niya na parang basura. Kulang pa yung salitang hinagpis sa naranasan ko sa kanya.

Traumatized, bittersweet yet savage . "Isang malaking ekis ang redflags. Hinding hindi na ko uli mag papa-goyo."

Not until one unexpected day, may isang taong  di ko naman kilala, na gumulo ng matahimik kong mundo — Si Andrew.

Andami ko na namang What if's. 

Paano kung di ako pasok sa standards niya?

What if pangit ako manamit?

Paano kung sakto lang yung pamumuhay ko?

Ewan, bahala na nga! Baka konyatan ako ng nanay ko.

STAY FOCUSED SA LIFE GOALS. BAWAL MARUPOK!

Battles for Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon