MDA- LIII (A Love that is worth to fight)

Start from the beginning
                                    

"Si Amanda nalang ang natitirang lakas ko para mabuhay aling remedios , kung pati hu siya ay ipagkakait niyo sa akin ay mukhang hindi ko na po kakayanin pang mabuhay" nakayuko lang ako sa kanyang harapan at sobrang nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa patuloy na pagmuo ng aking luha.

Masakit ngunit sana ay mapapayag ko pa siya , gagawin ko ang lahat para mapanatiling nasa tabi ko si amanda.

Hindi maaaring mapalayo siya sa akin gayong nararamdaman ko na manganganib ang kanyang buhay.

"Patawad at maraming salamat sa kabutihang loob na ipinamalas mo sa akin at sa pagmamahal na ibinigay mo sa aking anak master j? Taos puso kong  tatanawin iyun na utang na loob , paalam subalit aalis na kami ,   wika niyang muli sa akin saka akmang aalis na nang bigla kong hawakan ang kanyang kamay.

"Kung itutuloy mo man hu ang balak niyong lisanin ang bayang ito , maaari hu bang ibigay niyo na lamang sa akin ang huling araw na ito upang makasama si amanda" naiiyak na sabi ko sa kanya , ramdam ko na may kakaiba siyang nararamdaman at mukhang may inaalala siya ngayon ngunit nabuhayan naman ako nang mapangiti ito ng kaunti.

"Pumapayag ako master j ngunit ngayong gabi lamang , Alam ko sa sarili ko na pareho kayong masasaktan ng aking anak ngunit natututunugan ko na hindi magiging maganda ang mangyayari sa huli lalo na at nagbanta sila na magiging mapanganib ang lagay ng aking anak kung mananatili siya sa tabi mo"  may sinabi pa siya sa dulo na mahaba ngunit hindi ko na iyun narinig pa , nagpatuloy lang siya sa paglalakad at iniwan ako dito sa hardin.

Little did everyone know na may taong nakamasid sa kanila ngayon at pasimpleng nakangiti na tila bay nagtagumpay ito sa pinaplano niyang gawin.

Amanda's Pov

Hindi ko alam kung ano itong aking nararamdaman sa ngayon , para akong napagod na kay hirap ding huminga. Wala naman akong masyadong kinakain kanina ngunit nararamdaman ko ang kabigatan sa may bandang tyan ko.

At nahihilo din ako ngayon sa hindi ko mawaring dahilan , kada pikit ko ay may nakikita akong babae na kapareho nung nakita ko kanina.

Nakakatakot ang kanyang mukha na tila bay tinorture siya hanggang sa malagutan ng kanyang hininga , pugo ang kanyang ulo na siyang mas lalong ikinakaba ko.

Nanginginig ang aking kalamnan ngayon habang nag aantay lamang kay jaydee dito sa silid niya , narito din ang kanyang guwardya na nakabantay sa akin.

Nakatingin lang siya ng diretso sa may pintuan nang biglang may dumating na isa pang guwardya na may dala dalang tray ng pagkain at tubig.

"Kumain muna ho kayo binibini , kasalukuyang nasa baba pa si master j kasama ang iyong ina" masayang bati nito sa akin at tsaka inilapag ang dala niyang tray sa may bandang lamesa na malapit sa akin.

Nakita ko sa name tag niya na ang pangalan niya ay George at yung dalawang nagbabantay naman sa akin dito ay sina Severino at Renzo ang pangalan.

"Maraming salamat po" pagpapasalamat ko dito at binigyan siya ng matamis na mga ngiti.

Lumabas naman na siya sa silid at ako naman ay napatingin na lamang sa may bintana , hindi naman ako nagugutom kung kaya'y hihintayin ko na lamang si jaydee na umakyat dito sa kwarto niya.

Habang nag hihintay ay bigla akong napaubo at nabigla ako nang tignan ang aking panyo na may dugo din may lumilitaw na mga uod doon na siyang ikinalaki ng aking mga mata.

Napakusot ako ng mga mata at nawala naman yung nakikita kong dugo at mga uod sa may panyo ko , sobrang lakas na ng pintig ng puso ko dahil sa aking nakita ngayon.

Hindi ko mawari kung ano na ang nangyayari sa akin ngayon , takot na ang namamalagi sa aking isipan dahil sa mga bagay na nakikita ko na hindi ko akalaing mararanasan ko sa buong buhay ko.

Napilitan na lamang ako na inumin ang tubig na nakalagay sa baso upang medyo kumalma ako kaunti.

Napabuntong hininga na lamang ako nang maubos ko yung tubig na iyun.

"Miss amanda? Gusto niyo pa hu ba ng tubig? Kukuhanan ko po kayo kung sakali" magalang na alok nung guwardya napatango na lamang ako sa kanya sapagkat nakakaramdam ako ngayon ng labis na pag kauhaw sa hindi ko mamalayang dahilan.

Kinuha na niya yung baso at tsaka lumabas na ng silid kaagad pagkalabas na pagkalabas niya ay bumungad si jaydee na mukhang balisa at mugto ang mga mata.

"Mahal anong nangyari sa iyo? Bakit mukhang malungkot ka? Kamusta ang pag uusap niyong dalawa ni inay?" Takang tanong ko sa kanya ngunit mabilis lang naman nito isinarado yung pintuan at binigyan ako ng yakap na kay higpit.

Yung yakap na parang panghuli na ganun ang nararamdaman ko sa ngayon.

"Wala okay naman ang naging usapan namin , uhm namiss lang kita mahal ko" wika naman nito sa akin tsaka kumalas na at hinalikan ako sa may noohan ko.

Napangiti na lamang ako sapagkat namiss ko din talaga siya kasama , napaubo naman ako ng kaunti kung kaya'y halata sa mga mata niya ang pag alala.

"Saglit lamang at kukuhanan kita ng maiinom mo , masama pa din ba ang pakiramdam mo sa ngayon" tanong nitong muli at akmang tatayo na ngunit hinawakan ko ang kanyang mga kamay at muling niyakap siya.

"I love you jaydee!" Mahinang sabi ko na sakto lamang upang marinig niya , hindi ko alam ngunit kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw kung kaya'y habang maaga pa lamang ay gusto ko na iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.

"I love you too mahal ko!" Mahinang wika niya din at niyakap akong muli ng mahigpit , hindi ko alam ngunit hindi ko maiwasan ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.

Masaya ako ngunit kakaiba ang ipinapakita ng aking katawan sa ngayon , feeling ko unti unting na di drain ang lakas ng aking katawan ngayon.









A/N: Later ulit mukhang ginaganahan ako hihi

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now