"Hindi naman sa ganoon iyon AC, Elliot and I are bestfriends. Ako ang nahihiya kapag may ginagawa siyang mali. Lalo na kapag may napapaiyak siyang babae. Nako kung alam mo lang, ang dami ng napaiyak niyan noong highschool. Gwapo nga playboy naman"

"Marami na siyang naging girlfriend?"

"May isa lang siyang naging girlfriend at yung iba naman ay flings lang. Hindi naman kasi siya nagseseryoso. Tinatanong ko nga kung may nagugustuhan siya ang sabi niya naman ay wala"

"Ah ganoon ba" tumango-tango pa ako. Wala sa itsura ni Elliot ang marami ng naka-flings. Tahimik kasi siya at mukhang masungit. Kaya feeling ko ay wala pa itong nagiging jowa.


Umupo na kami sa pwesto namin kanina. Inilabas ko naman ang cookies na binake sa akin ni Tala.

"Gusto mo?" Alok ko kay Celine. Tinanggal ko na ang takip ng tupper ware at kumuha ng isa.

"Akala ko ay hindi ka nakapagbake?" Kumuha na rin siya at tinikman ito.

"Si Tala ang nagbake niyan, nagpaturo kasi siya sa akin kaya ayon napasobra yata ang gawa niya at ipinabaon sa akin"

"Marunong ba lahat kayong magbake?" Nakalahati niya na yung cookies. May alagang dragon ba ito sa tyan niya? Ang bilis niyang maubos.

"Siguro, nag-aaral na rin sila. Nanonood lang sa youtube. Nahiligan na rin nila noong natuto ako"

"Ang sabi mo hindi ka nakapagbake?" Galit na bungad sa akin ni Elliot.

Ito na naman tayo.

"Hindi nga"

"Wow ah, eh ano yan?" tukoy niya sa dala ko. "Tapos si Cael meron din, sinong niloko mo?"

"Wala"

"Liar"

Anong karapatan niya na tawagin akong sinungaling e hindi naman niya alam ang totoo. Tatayo na sana ako para sampalin siya kaso pinigilan ako ni Celine.

"Stop it Elliot!" sigaw ni Celine.

Tumigil naman si Elliot.

"Una kana sa classroom niyo, ako na kakausap sa kaniya" pakiusap ni Celine sa akin. Iniligpit ko muna ang gamit ko at umalis na rin. Ayoko pa sana silang iwan baka may mangyaring war kaso baka madamay pa ako. Huwag nalang.


Nang makarating ako sa classroom ay nagkukumpulan sila. May ginagawa ba silang kababalaghan? Baka may chismis!


"Sarap!"

"Juicy"

"Rawr"

Nakita ko sila na may pinapanood.

"Ehem" Nagulat naman sila at nagsitayuan. Nakita ko na nanonood sila.


Ng mukbang...


Nagugutom na siguro sila. Kawawa naman.


"Nagugutom ako pre" sabi ni Liam.

"Ako rin pre" dagdag naman ni Edric.

"Yung mga bulate ko sa tyan nagsasayawan na" si Gabriel.


Umupo ako at hindi sila pinansin. Nagpaparinig siguro sila sa akin. Nandito na rin sila Lakan at Sinag. Tumingin sa akin si Sinag ngunit inismiran ko siya. May kasalanan ka pa sa akin. Tinignan ko naman si Lakan at ngumiti sa akin, may chocolate pa siya sa ngipin.

Breezes of the SkyWhere stories live. Discover now