Chapter 7

53 18 0
                                    

I never thought of being friends with Celine. I feel comfortable when she hugged, that feeling of being secured despite of what happen. I am having my lunch sa classroom at kasama ko si Celine. Pagkatapos ng moment namin kanina sa may field inaya ko siyang maglunch dito. Pumayag naman siya dahil wala mana siyang klase pagkatapos niyo. Sinamahan ko pa siya na kunin ang lunch niya sa classroom nila.

"I never know na marunong ka rin pa lang magluto" puri niya sa akin ng pinatikim ko siya ng baon ko. Ako ang nagluto kanina dahil may schedule kami ng pagluluto sa dorm. Nagluto ako ng adobo at lumpiang shanghai. "Magaling ka ring magbake, nasayo na ang lahat".

"Nako hindi naman, tinuruan lang ako ni Tala kanina yung kaibigan ko."

"Atleast masarap, turuan mo ako sa susunod ah" tumingin siya sa akin at hinihintay akong sumagot.

"Sure walang problema" nagpatuloy ako sa pagkain at panay ang kwento nitong si Celine. Madaldal din pala 'to.

"Why they are looking at us?" tukoy niya sa mga kaklase ko. Tumingin naman ako sa kanila at nagsiiwasan naman ng tingin.


Gutom kayo no! Sorry kayo!


"Hayaan mo sila" nagpatuloy ako sa pagkain at hindi ko sila pinansin. Anong akala nila bibigyan ko sila? No way! Magutom sila diyan.


"Galit talaga pre" ani Nathaniel.

"Hindi ba halata, iisa na nga lang ang kilay e" dagdag ni Jeric.

"Nagugutom na ako"

"Tara canteen"

"Tinatamad naman ako"

"Edi mamatay tayo sa gutom"


Hindi nalang umimik si Celine at nagpatuloy na sa pagkain. Naubos na niya ang dala kong ulam. Ang lakas pala niyang kumain, pero hindi naman tumataba.


Wala si Lakan at Sinag ngayon. Nagpunta sila sa canteen dahil doon sila kakain. Makikipag-date siguro.


"Cel" tawag ni Elliot sa kaniya. Hindi siya pinansin ni Celine. Nag-away ba sila? Tinignan ko naman si Elliot at ng tumingin siya sa akin ay inismiran ko siya.

"AC are you done? Tara doon tayo sa field" nililigpit niya na ang gamit niya ng tanungin ako. Hindi pa ako tapos kumain, kaso tinignan niya ako kaya niligpit ko nalang ito.

"Cel, talk to me" si Elliot ulit. Makulit talaga 'to e.

"Tara?" aya niya sa akin. Tumayo ako at dinala ang paper bag, doon na siguro ako magdedessert. Nabitin kasi ako, inubos ni Celine yung ulam.

"Cel" tawag ulit niya.

Hindi pa rin niya ito pinansin, nagpatuloy lang kami sa paglalakad hangang sa makalabas kami.


"Nag-away ba kayo?" Basag ko.

"Who?"

"Ni Elliot"

"Hindi naman, pero galit ako sa kanya"

Bakit naman 'to galit?

"Bakit?"

"Dahil inaway kaniya at tinawag na mababaw"

"Nako, huwag mo ng isipin iyon. Tsaka huwag kang magalit sa kaniya"

Breezes of the SkyWhere stories live. Discover now