Prologue

824 39 16
                                        

Hyperyoon Intergalactic Ship. Sa malayong parte ng kalawakan.

Pinagmamasdan ni Sanjaya ang ganda ng kalawakan. Mga bituing kumikislap at mga planetang naglalakihan. Mas gusto niya dito kaysa sa lupa dahil pakiramdam niya malaya siya dito. Sa lawak kasi nito isang walang katapusang paglalakbay ang naghihintay sa kanya. Pinangako niya sa sarili na lalakbayin ang buong kalawakan at hahanapin ang hangganan nito.

May problema nga lang si Sanjaya dahil sa oras na ito ay hindi siya malaya. May mga naghahanap sa kanya at gusto siyang patayin. Isa kasi siyang heneral ng planetang Hyperyoon nang sakupin iyon ng mga dayuhan galing sa ibang planeta. Pinamunuan niya ang isang rebelyon para mabawi ang kanyang planeta pero bigo siya kaya napagdesisyunan niyang tumukas.

Tumunog ang kanyang intercom ibig-sabihin may tumatawag sa kanya. Binuka niya ang kanyang palad at lumabas doon ang holographic image ng isang babae.

"Silva, mabuti naman tumawag ka. Nasaan ka na ngayon?" tanong ni Sanjaya.

"Nakatakas na po ako sa Hyperyoon at patungo na ako ngayon sa inyong kinaroroonan," sagot ni Silva, ang holographic image na nasa palad ni Sanjaya.

"May kasama ka ba?"

Naging malungkot ang mukha ni Silva. "Wala po, ako lang ang nakatakas."

Huminga ng malalim si Sanjaya bago sumagot. "Sige, mag---"

Hindi na natapos ni Sanjaya ang sasabihin nang yumanig ang paligid. Pagsilip niya sa bintana isang malaking spaceship ang kanyang nakita. Nagpakawala ito ng laser cannon na tumama sa kanyang sasakyan.

"Ano na po ang nangyayari diyan heneral?" pag-aalala sa kanya ni Silva.

"Natunton na nila ako Silva. Magtago ka muna sa ligtas na lugar. Tatawagan na lang kita mamaya. Paalam," sabi niya kay Silva at nawala na ang kanyang hologram.

Napinsala ng husto ang kanyang sasakyan. Kailangan na niya ngayon tumakas kung gusto pa niyang mabuhay pa. Sumakay siya sa isang escape pod at bago pa man sumabog ang kanyang spaceship nakatakas na siya.

Kahit maliit ang escape pod nakita pa rin ito ng mga kalaban. Tinitira siya ng laser cannon mabuti na lang nakakailag siya. Nagliwanag ang isang ilaw ibig-sabihin handa na ang hyperspeed. Sa bilis ng hyperspeed pwede ka na makalakbay sa ibang parte ng kalawakan.

Hindi alam ni Sanjaya na nasundunan pala siya ng kalaban. Huli na nang makita niya ang isang spaceship na nagpakawala ulit ng laser cannon. Tinamaan ang sasakyan ni Sanjaya hanggang sa mawalan na siya ng kontrol.

Tumingin siya sa bintana kung meron ba siyang babagsakan. May isang planeta siyang nakita na kulay asul at may ilang kulay berde. Hindi na niya maikot pa sa ibang direksyon ang spaceship. Hinahatak na kasi siya ng gravity ng planeta.

HypermanStories to obsess over. Discover now