Bigla naman nagbago ang mukha ni Adam nang maisip ang isang posibleng dahilan. "Did you drink something?" Kahit nag-aalala ang mukha niya, may bahid pa rin ng galit.

Nanghihina na tumango si Kelly. "T-Tubig..."

"Fuck! Whoever did this to you, I'll make them pay!" Sigaw ni Adam. Nalingat lang siya ng ilang minuto para magsalita sa harapan ng mga bisita. Ganoon na kaagad ang nangyari. Alam niyang hindi iyon basta trip lang o ginawa on the spot. Pinagplanuhan iyon!

Ang tanging nasa isip niya lang ngayon, na kung sino man ang may gawa noon! Dapat handa ang taong iyon sa posible niyang ibalik.

"H-Help me remove all of these." Pagtukoy ni Kelly sa suot niyang gown. Dahilan para manlaki ang mata ni Adam. "No! No, please..." Nahihirapan na awat ni Adam, ilang beses pa siyang napalunok dahil sa ideyang iyon. Nanatili lang siyang nakatingin sa mata ni Kelly, puno ng pag-iingat. Alam niya na isang maling kilos nito ay talo siya.

"P-Pero ang i-init nga!" Giit pa ni Kelly, pilit na tinatanggal ang suot niya na gown.

"Fuck! You're making it hard for me." Iritadong sambit ni Adam, kulang na lang ay sabunutan ang sarili.

"It's also hard f-for me... please! Please!" Hikbi naman ni Kelly. Dahilan para mas lalong mahirapan si Adam. "H-Hindi ko na talaga kaya!"

Tila isang gatilyo ang mga salita ni Kelly, at dahilan iyon para hindi na mapigilan pa ni Adam ang sarili. Agad niya itong dinaluhan at hinuli ang labi ni Kelly. Hanggang sa hindi sila pareho nakapagpigil, at mangyari ang isang bagay na hindi pa naman dapat. Iyon ay ang angkinin niya ang kasintahan.

LUMIPAS ang ilang araw, at umakto silang dalawa na parang walang nangyari. Pinili rin nilang huwag na lang ipaalam sa kanilang magulang ang nangyari. Tulad nang sabi ni Adam, siya na ang bahala roon.

Nang gabing iyon, nakatulog agad si Kelly pagkatapos mangyari ang lahat ng iyon. Habang si Adam naman ay tinawagan ng kanyang ina at hinahanap pa silang dalawa.

*Flashback*

[Where are you? The event is about to end.] Litaw sa boses ni Mrs. Dela Fuente ang pag-aalala. [I only know you're looking for Kelly.] May bahid ng panunuya ang boses ng ina. Panigurado na sa punto na iyon, iba na ang nasa isip ni Mrs. Dela Fuente.

"Mom, I have an emergency." Tugon ni Adam. Narinig niya ang pag singhap ng ina sa kabilang linya. Dahilan para kontrahin iyon agad ni Adam. "But I'm safe." Putol niya sa posible pang sabihin ni Mrs. Dela Fuente. Mabilis kasi lagi mataranta ang ina niya. "I'm with Kelly... please tell her parents." Habol pa na pakiusap ni Adam.

Ayaw din ni Adam ang ideyang mag-alala ang magulang ni Kelly, gayon sila ang dahilan kung bakit napadpad ang pamilya ni Kelly sa Manila. Kahit saang anggulo tingnan, responsibilidad nila sila dahil sila ay kanilang bisita.

[What happened, Adam?!] Hindi pagpansin ni Mrs. Dela Fuente sa mga sinabi ng anak. Halata pa sa tono nito ang galit.

"Mom, don't worry... I can handle this. Just bring her parents home, susunod na kami roon."

Mabuti na lang at napaki-usapan ni Adam ang kanyang ina. Hindi na muling nagtanong pa, at walang nagawa kung hindi pumayag na lang sa kanyang bilin.

*End of Flashback*

Kasalukuyan na nasa beach sina Adam at Kelly, kilala ang beach sa tawag na Patar beach sa may Bolinao, Pangasinan. Kasama dapat ang kanilang pamilya. Pero, nagdesisyon ang pamilya nila na sila na lang dalawa ang pumunta. Para magkaroon naman sila ng oras sa isa't isa, at dahil ito rin ang unang monthsary nila.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYМесто, где живут истории. Откройте их для себя