Napatigil ako sa pagta-type para iangat muna ang paningin. I saw the girl earlier standing few meters away from me while tremblingly hugging herself. Iginala ko naman ang paningin at napansing halos kami na lang dalawa ang nakatayo rito.

Me
No thanks, Mi.
Maghihintay na lang
po ako 'rito ng taxi.
Sent 7:49 pm

Delivered.


Ibinulsa ko na ang phone ko bago humugot ng isang malalim na hininga. I unconsciously paid attention to the other person in this shed. Napapansin ko ang bahagyang panginginig niya.

Umiling naman ako bago tinutok ang mata sa kalsada.

Should I give her my jacket?
Why? Pa'no na lang 'kung hindi niya ibalik? Pero nanginginig na siya eh, baka mamatay 'to tapos masisi pa ako. Tsk.

Liningon ko ulit siya. I think we're from the same university.

Pero bakit nga? Why would I hand my jacket to her? I don't even know her. Dalawa naman kami rito eh, hindi lang naman siya yung giniginaw.

Natigil ako sa pag-iisip ng may humintong taxi sa harapan namin. Tumayo na ako para buksan sana ang pintuan ng sasakyan ng makita ko 'rin yung babae kanina na nakatayo't nakaambang bubuksan 'din sana ang pinto.

Nagpaunahan kami sa paghawak ng handle ng taxi. She gave me a fierced look before pulling it.
Dali-dali ko naman itong itinulak pasirado ulit. Nagsukatan kami ng tingin. I furrowed my brows while she stared at me straight into the eyes.

Ilang minuto 'rin ata kaming nagkatitigan bago siya dahan-dahang umatras at labag sa loob na tumango sa'kin. Tinanguan ko 'rin siya bago binuksan ang pintuan ng taxi para pumasok. Nakita ko naman siyang binibigyan ako ng ‘seryoso-ka?-look’ habang madramang makapaniwalang sumisinghap. Padabog na bumalik ulit siya sa pwesto niya kanina at yumuko na para bang pinagsuklaban ng langit at lupa

Sinabi ko na ang destinasyon ko 'kay Kuyang driver bago ito binati ng ‘Merry Christmas po’. Binigyan niya ako ng isang maluwag na ngiti bago bumati pabalik.

Binuksan ni Manong ang radyo niya bago tahimik na sumasabay sa kanta.

Minutes have passed when an instrumental of a famous song played.

“[Merry Christmas mga ka love radio! We are now listening to kathang Isip by Ben&ben.]”

“Ang gandang kanta nito,” Eksayted na aniya ni Manong driver. Tumango naman ako bilang sang-ayon.

“'Di ba nga ito ang 'yong gusto?

O' ito'y lilisan na ako.

Mga ala-ala'y ibabaon,

Kalakip ng tamis ng kahapon.

Mga gabing di namamalayan,

Oras ay lumilipad.

Mga sandaling lumalayag 'kung
saan man tayo mapadpad.

Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay

Ito'y maling akala, isang malaking sablay.”

Mahinang tugtog sa radyo ng taxi.

“Pasensya ka na, sa mga kathang-isip 'kong ito, 'wari'y dala lang ng pagmamahal sa'yo~” Sabay na kanta ni manong driver habang tumatango sa bawat rythmo ng kanta.

“Ako'y gigising na sa panaginip 'kong ito, at sa wakas ay kusang lalayo sayo~” Mahinang sabay na kanta ko 'rin.

Nakarating ako ako sa bahay ng mga bandang alas otso imedia na ng gabi. Malapit-lapit lang naman 'yung subdivision namin kaso nga lang maulan at wala akong payong. Dala ko pa naman 'yung laptop at iPad ko, baka masira.

Nagpalit na ako ng damit pero suot-suot ko pa 'rin ang varsity jacket ko. The evening ran smoothly. Nakipaghalubilo na 'rin ako sa mga pinsan at mga iba 'pang kamag-anak namin ng tawagin ako ng Mommy.

“Claude, anak?”

“Po?” Tanong ko habang karga-karga ang bunso 'kong kapatid.

“Sunduin mo muna doon 'yung ate mo. Sa may Gaisano mall. Ngayon lang daw sila nakalabas sa Davao's Doc.” Aniya ng Mommy habang kinukuha ang cake sa oven.

Tumango ako bago ibinaba si Mina para kumuha ng susi para sa kotse ko.

“Kuya, sama ako! Pretty, pretty, pweasssse?” Tanong nito.

“Di! Sasama 'raw si Mina!” Paalam ko sa Daddy. Tumango naman ito bago sinabing ingat.

Sumakay na kami sa kotse para sunduin si Ate Micah. Nurse siya sa tanyag na Ospital dito sa lugar namin.

Nang nasundo na namin ang Ate, huminto muna kami sa Jollibee. Ate Micah ordered five buckets of fried chicken, 10 orders of large fries and another 10 pieces of sunday ice creams.

The rain is still pouring hard, at medyo traffic na 'rin dahil madaming mga trabahanteng nag-sisi-uwian sa mga pamilya nila.

Napalingon ako sa waiting shed ng aming university. Meters away, I saw a familiar girl hugging her knees while continuously trembling. Something told be to stop Infront of her and I did. Nagtataka silang lumingon sa akin.

“Why did you stopped?” Ate Micah asked.

“Wait lang,” Paalam ko bago kinuha ang payong na nasa backseat at lakad-takbong lumabas.

Napaangat naman ang tingin ng pamilyar babae sa akin. Tears are obviously streaming down  into her cheeks. Mabilisan 'kong hinubad ang jacket ko at ibinigay sakanya.

“You okay?”

** **

Kathang-isipWhere stories live. Discover now