SIMULA

3.6K 117 22
                                    



Tumunog ang cellphone ni Levi, nang makita niyang ang Mama niya ang tumatawag sa kaniya ay nagpaalam siya sa kaniyang mga kaibigan pagkatapos ay lumabas siya para sa sugutin ang tawag.

"Son!" Bungad ng Ina niya.

"What is it, Mom?" He asked.

"Nakalimutan mo na ba?"

Kumunot ang kaniyang noo, sumandal siya sa kotse niya at nilagay ang kamay sa bulsa ng slacks niya.

"Ang ano?"

"Pupunta ang fiancé ng kapatid mo, Levi. Kailangang nandito ka, 'di ba gusto mong makilala ang mapapangasawa ng kapatid mo? So, come here na, Levi."

Nawalan kaagad ng gana si Levi dahil sa kaniyang narinig, parang ayaw na niyang umuwi. Hindi niya gusto na makasal ang nakababata niyang kapatid sa isang lalaking hindi naman mahal ng kapatid niya.

Alam niya na kaya pumayag ang kapatid niya sa kasal na ito dahil napilit ito ng Ina niya. Ayaw na ayaw niya sa Married for convenience. Bakit pipilitin ang isang tao na magpakasal sa hindi naman niya kilalang tao. Para ano? Para sa Pera?

Kahit na magreklamo siya wala pa rin siyang magagawa, kailangan niya pa ring pumunta para respetohin ang ina niya.

"Papunta na ako," walang gana niyang tugon.

"Okay, okay! Magmadali ka anak dahil paparating na siya!"

"Yes, Mom…"

Bakit kailangan pa niyang pumunta? Kailangan ba talaga na nandoon siya? At bakit nagfeeling special ang lalaking 'yon?

"Mag-ingat ka okay? I love you, anak…"

"Yes, Mom. I love you too," he said as he hung up the phone and returned to his friends.

"Sino 'yun?" Tanong ng kaibigan niya

Kinuha ni Levi ang suot niya kaninang coat tsaka sinabit ito sa braso niya. "Pinapauwi na ako ni Mama." Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri sa kamay.

"Oh? Bakit daw?" Usisa ni Ysmael.

Pinatunog niya ang alarm ng kanyang BMW, "the fiancé of my sisters has arrived."

"Really? Your sister is about to tied to a man she doesn't know and doesn't love."  Jacob, his friend, shook his head and sipped whisky.

His lips pressed together, and he combed his hair once more.

He walked away from his friends and stated coldly, "I'll have to go." He got into his BMW and drove to their mansion.

Malayo pa lang ay naaninag na niya ang Mansion nila, naririnig din niya ang ingay ng mga bisita ng magulang niya.

Nagtiim ang bagang ni Levi. Talagang nagpaparty pa ang magulang niya dahil dumating na ang fiancé ng kapatid niya.

Gaano ba talaga ka importante ang lalaking iyon para maghanda ng ganito ka egrandeng party si Mommy?

Pinilig na lang ni Levi ang ulo niya sa naisip na importante nga ang taong pinagkasundo sa kapatid niya.

Pinagbuksan siya ng gate ng guard nila, tumango siya dito at nagpatuloy sa pagdrive. Pagdating niya sa harap ng mansion nila maraming sasakyan ang nakita niyang nakaparada.

Sinalubong siya ng mga tauhan nila sa mansion, yumuko ang mga kasambahay nila ng lumabas si Levi sa BMW niya.

Pinatunong niya ulit ang alarm ng kotse niya saka binigay ito sa katiwala. Pinasadahan niya ng tingin ang buong paligid.

May mga babaeng suot ang kanilang magagandang dress na tanging mayayaman lang ang makaka-afford.

Naglakad siya sa harden nila na walang ekspresyon sa mukha. Napapaatras ang ilan na nakakasalubong niya ang iba ay tumatabi dahil sa dilim na pumapalibot sa kanya na para bang sa oras na banggain mo siya ay katapusan na ng buhay mo.

BRIDE OF CAIUS [R-18] [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon