Chapter 1A

13 2 0
                                    

I wanted someone to understand, but there's never anyone who does, so I stopped looking... ~ Keu Tur Chai Mai (It's You, Right?), Getsunova and Tai Oratai

xxxxxx

Not once in my life had I thought of coming across this kind of... adventure. Wait, should I call it like that?

No, I guess I shouldn't. Para sa akin, it was a nightmare. One that haunted me ever since it happened. Matagal nang nangyari iyon, sa totoo lang. Alaala na nga lang sila ngayon, eh. But until now, those memories only made me aware of a skill I couldn't even fathom as to where it could come from.

A skill na hindi ko alam kung para saan at kailan ko ba maaaring gamitin.

"Ellie, puwede bang pakilagay ang mga librong 'to sa dapat nilang kalagyan sa shelf?"

Galing ang utos na iyon sa boss kong si Owen Martin. At salamat na lang talaga, dahil ginising lang naman ako ng boses na iyon mula sa malalim kong pag-iisip. Again. Ilang beses nang nangyayari ito.

Seriously, I was starting to hate this. Bakit ko ba inaalala ang buhay ko gayong dapat ay kinakalimutan ko na ang mga iyon dahil walang ibang ginawa ang mga alaalang iyo  kundi bigyan ako ng sangkaterbang bangungot?

"Okay, coming!" sigaw ko mula sa storage room kung saan dapat ay may kukuhanin akong mga bagong dating na libro para sa store na iyon.

That's right. I worked at the only bookstore in town called "Pages & Scenes". Kailangan, eh. I had to earn money since I was living by myself. I didn't have parents to support me, you know. Matagal na silang wala sa buhay ko.

And that nightmare I kept having was the reason. The nightmare which only held the memory of what had truly happened to me a long time ago.

Pero mamaya ko na siguro pagtutuunan ng pansin iyon. For now, it was time to focus on my job.

It didn't take long for me to finish putting the books na iniutos sa akin ni Owen on their respective shelves. So now we got stocks for those books that our customers were looking for.

Especially the one titled "Fifteen Years". Grabe, sikat na sikat talaga ang librong iyon.

Well, perhaps I could understand the reason why it was so popular. Kahit naman ako, naantig sa kuwentong iyon. It was a love story that spanned fifteen years, only to end painfully because of the male lead's sudden death. Yes, alam kong sad ending naman ang kuwentong iyon at talaga namang pinaiyak ako n'on nang unang beses kong mabasa iyon. But the underlying messages contained in the story were something I could consider incredible.

Once again, I was snapped from my musings nang marinig ko ang pagtunog ng bell na nasa entrance ng bookstore. I immediately put the book "Fifteen Years" back on its shelf para makita kung sino ang pumasik. I ran so that I could do so immediately.

But to my confusion, no one was there. Only my boss was busy cleaning the grandfather clock that was placed there as one of the store's ornaments. Weird. Alam kong narinig kong tumunog ang bell, eh. Huwag mong sabihing imagination ko lang iyon?

"Kuya Owen, may pumasok ba rito kani-kanina lang? I thought I heard the bell ring," I tried asking since I needed to be sure of something.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo riyan, ha? Nandito lang ako the whole time at wala akong narinig na kahit anong tunog. Besides, if there was indeed a customer na pumasok rito, eh 'di sana kinakausap ko na siya, 'd ba?"

At that point, hindi na maitatangging bumilis sa pagtibok ang puso ko. I couldn't possibly be thinking of 'that', right?

Despite the increasing fear in me, I tried smiling. Hindi ko gustong may mahalatang kung ano si Kuya Owen. "Sorry for asking something silly. Baka nga guni-guni ko lang 'yong narinig ko kanina."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Visions Of Chains 【Taglish】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon