Chapter 19

44 1 0
                                    

PRINCESS POV

Pagkasabi ko lahat kay ella bigla siyang tumakbo

"Ella!" sigaw namin ni kris

Tatakbo pa sana siya para sundan si ella pero pinigilan ko siya "Wag na kris, hayaan muna natin siya panigurado masama pa ang loob niya"

"Ano bang sinabi mo sa kanya?" hindi pa nga pala alam ni kris

Biglang dumating yung Prof namin "Mamaya ko na ikkwento sayo" at umupo na ko sa upuan ko

"Ma'am si Mendoza nagcut na naman" sigaw ni rizza

"Yeah, I saw her. Mukhang hindi siya okay, does anybody knows kung anong nangyari sa kanya?"

"Dysmenorrhea ma'am" sabi ko

"Seriously?!" tanong ni reena 

Tiningnan ako ni kris na nagtataka, nginitian ko lang siya.

Poor ella! Sige maniwala ka sa kasinungalingan! Bayad mo 'to sa kamalasang dinala mo sa pamilya ko!

LUNCH BREAK

"Ano yung sinabi mo kay ella?" nagulat ako ng may biglang sumulpot sa tabi ko

Nandito kami ngayon sa canteen

"Sinabi ko sa kanya na hindi talaga siya ampon"

"Ha?"

"Nung mga bata pa kasi kami lumayas siya ng malaman niyang ampon siya 'diba? Hindi pala, siya pala ang tunay na anak ni nanay at tatay"

"Bakit inakala ng nanay mo na ikaw?"

"Ah eh nu-nung nanganak daw si nanay ahm ako ata yung baby na ka-katabi niya pagkagising niya kaya akala niya ako talaga yung anak niya" Ano ba naman tong lalaking 'to ang dami daming tanong buti na lang magaling galing akong gumawa ng kwento

"Ahh Okay kaya pala ganun na lang yung reaksyon niya"

"Yeah"

"Bakit kanina mo pa sinabi, absent tuloy siya"

"Hmp! Ang sabihin mo hindi mo siya makikita kaya ka nagkakaganyan!" at nilayasan ko siya

"Princess!" pero hindi ko na siya binalikan

"LQ kayo ni Kris?" tanong bigla ni reena 

Isa pa tong mga 'to bigla bigla na lang sumusulpot, hindi ko siya sinagot.

"Can I ask something?"

"Hmm?"

"Paano kayo naging friends ni .. ella?"

"Hindi ko siya kaibigan"

"Ha? Eh kanina kakasabi mo lang na kaibigan mo siya?"

"Sa harap niya"

Nagsmile siya ng nakakaloko

"Pilya karin pala ha?"

Ngumiti lang ako sa kanya

"Bakit nagbabait baitan ka sa harap niya?"

"Mind your own business"

"Ahm I can help you with that"

"What?"

"Diyan sa plano mo, gagawin ko lahat para pestehin siya at ikaw ang magiging true friend niya right?"

"tss so childish"

"Ahm, Mali ba ko? Okay fine!" at tumayo na siya para lumipat sa upuan niya

"Reena, wait"

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon