When the String Leads to Heartbreak

139 11 2
                                        

"You died."

Ito ang mga salitang bumungad kay Eros matapos niyang madulas sa banyo at mabagok ang ulo.

Masyadong mabilis ang pangyayari, one second he slipped on the floor and when he opened his eyes, isang lalaking may pakpak na naka-business suit ang bumungad sa kanya.

Nakita niya ang walang buhay niyang katawan na nakahandusay sa sahig ng banyo na walang saplot.

Sa una ay hindi pa siya makapaniwala sa nangyari.

"Sino ka? This is a fucking joke right?! I died like this? This is embarrassing! Buhayin mo ako! Anong kailangan mo? Money? Women? Fame? I can give you anything!"

Ang dami pa niyang kailangang gawin. He's supposed to meet this hot Italian model today. Tomorrow, he has a date with his side chick. Hindi pa niya nauubos ang naiwang mana ng mga magulang sa kanya. And fuck! Iyong search history niya sa browser hindi pa niya nade-delete!

Napabuntong hininga nalang iyong lalaki. "Why don't they just automatically throw people like this in the underworld," bulong nito.

"What?"

"Nothing. If you want a second chance, you need to complete a mission-- "

"Mission?" he interrupted.

"Psyche Devilla, she's your mission. Guide her towards her fated person. If you succeed, you'll live, if you fail, you die. Due to the weight of your sins, you are only given three days to complete your mission."

"Are you kidding me?! How am I supposed to know where to find the son of a bitch?"

"Just follow the red string. Goodluck," matabang na tugon sa kanya nito.

Magsasalita pa sana siya nang may namuong lagusan sa harap niya. Bago pa man siya makahuma ay agad siyang itinulak ng lalaki papasok dito.

Napapikit nalang siya ng maramdamang bumagsak.

He opened his eyes and came face to face with a woman lying on a bed. Sa sobrang lapit ng mukha nila ay naririnig niya ang paghinga nito.

Nagkatitigan sila at agad siyang naakit sa mga mata nito. Kahit nakasuot ito ng salamin ay tila nalulunod siya sa tsokolate nitong mga mata at mahabang pilik mata. He dated hundreds of woman before, but never had he felt more attracted to those pair of brown orbs.

Suddenly he noticed her eyes widened followed by an ear piercing scream. "Aaaaaaaaaaahhhhhh!"

"Shit!" He quickly got off of her.

"Maaaaaa! May manyak dito! Tulong!" pagsisigaw ng babae.

"Teka! Hindi ako manyak. Sa gwapo kong to? Ako pa ba mangmamanyak?!"

Pinagbabato siya nito ng unan. That's when he noticed that he was in a pink bedroom. Fortunately, when he was transported, may suot na siyang saplot, kung hindi ay hindi niya na talaga maipagtatanggol ang sarili na hindi siya manyak.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nanay niya. "Saan ang manyak!?" May dala pa itong palayok.

"Miss! I'm not a pervert," pagtatanggi niya.

"Ayan yung manyak ma! Bigla nalang sumulpot sa kwarto ko!" turo nito sa kanya.

Lumingon naman ang mama niya sa direksyon ni Eros. Akala niya ay susugurin siya nito pero sa halip ay binatukan lang nito iyong babae.

"Tigil-tigilan mo ako sa mga trip mo Psyche ha! Wala namang tao eh!"

Nagulat si Psyche. He's standing right there pero paano nito nasabing walang tao. Pati si Eros ay nagtaka rin.

Ends of the StringWhere stories live. Discover now